Chapter 5

20 5 0
                                    

Why do I have to answer questions that's not even require an answer? Ano yun? Rhetorical questions?

"Answer me." pag-uulit niya.

Madali lang namang sagutin ang tanong niya pero may bahid na takot o hiya ang nadarama ko sa ngayon. Baka pagtawanan niya ko kase wala pa akong boyfriend.

Umiling ako, senyales na wala akong boyfriend. Kaysa naman sabihin kong meron diba?

"Oh, I thought you already have one." anang lalaki bago umupo sa tabi ko.

Gusto ko siyang tanungin kung may girlfriend na ba siya pero parang hindi kami ganun ka close para itanong ko pa yun.

I saw him in my peripheral vision. He's still looking at me. Umubo ako ng masasal but he didn't even break his eye contact.

"Wala akong girlfriend" aniya

Bakit niya yun sinabi? Nababasa niya ba ang utak ko?

"Sino?" tanong ko.

"Huh?" gulat na ani niya

"Sinong nagtanong?" I grinned. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
Akma na sana siyang magsalita nang biglang pumasok si Ms. Novalez.

"Good day class!" bati niya sa amin.  "So today I'm gonna announce something... I need two participants for our upcoming school foundation day. Those participants should be the representatives for our class"

"Ma'am, para saan po ba?" tanong ng isang kaklase ko.

"May gaganaping pageantry sa foundation day. Cast your votes now kung sino ang gagawin niyong models. One girl, one boy." huminga muna si ma'am bago nagpatuloy sa pagsasalita.  "Nominate someone right now, faster."

Dali-daling nagsitaasan ng kamay ang mga kaklase namin. Ms. Novalez chose one of them.

"Ma'am, si Ms. Corpuz po!" sabay turo kay Ms. Corpuz na kaklase namin.

"Enebe bat ako, di naman ako megende" pabebeng saad ni Corpuz. Oo nga di ka nga maganda.

"Hindi tayo nagbibiruan dito class!" galit na saad ni Ms. Novalez. Hala siya, hindi talaga nagandahan si ma'am, kimi!

Naririnig ko ang mga bulungan at tawanan ng mga kaklase ko.

"Hala beh biro daw"
"Okay lang yan beh, bawi next life"
"Maganda ka naman, di lang talaga para sayo yang modelling"

Natahimik ang lahat nang biglang nagtaas ng kamay ang pinakatahimik na babae sa klase namin, si Faye.

"I nominate Ms. Avanzano as the girl model and also Mr. Salazar as the boy model." malamig na saad niya.

Ang sandaling katahimikan ay napalitan ng samut-saring hiyawan.

"My goodness! Finally sa ilang taon na pagtuturo ko sayo, ngayon ko lang narinig ang boses mo!" wika ni Ms. Novalez kay Faye.

"Ma'am ayoko pong mag-model" ani ko. Oo ayoko! Pasusuotin ka ng gown at takong. Kitang-kita naman sa tindig ko na daig ko pa ang mga lalaki kung manamit, bakit ako pa talaga?

"There must be a mistake, ma'am" aniya Khalil.

Napaupo si Faye. Isinulat naman ni Ma'am sa white board ang mga nominado.

"You have nothing to do with it, Ms. Avanzano and Mr. Salazar." humarap siya sa lahat bago nagsalita ulit. "Anyone? Sino pa ang mga nominado?"

Nabalot ng katahimikan ang buong klase. Mukhang gusto nilang kami ang magrerepresent ng klase namin sa buong campus sa darating na foundation day.

15 Reasons To Love You (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon