Panibagong araw, panibagong simula.
"Good morning!" masayang saad ko pagkapasok ng classroom. Bakas sa mukha ng mga kaklase ko ang paninibago. Tahimik talaga ako dati pero ngayon di ko alam anong santo o espirito ang sumapi sa akin para magsaya ng ganito kaaga.
"Pre ang saya-saya mo ngayon ah!" bati ni Carlson sa akin.
"Wala! Masaya lang, bawal ba?" I smiled at him.
"Naninibago na kami sayo pre. Una nagpaganda ka, tapos ngayon ang saya-saya mo na." umiling-iling siya at nagsalita ulit. "May pumoporma ba sayo?"
"Hahaha hulaan mo!" malakas na ani ko na ikinabingi niya.
"Sus! Malalaman ko rin kung sino yan." aniya bago umalis.
Sakto namang pagpasok ni Khalil sa room. Pansin nyo? Ako lagi nauuna sa room.
Walang teacher kaya nagbasa-basa muna ako ng kahit ano. Gusto ko madistract lalo na't katabi ko lang ang taong kinababaliwan ko.
"Bukas na ang campus foundation..." kuha niya sa atensyon ko.
Inayos ko ang pagkakaupo ko at nakinig sa kanya.
"We should get ready. After class, pupunta tayo sa pa-rentahan ng gown. I want you to wear something good." dagdag niya pa.
Plinanuhan niya ba to ng maigi? Parang alam na alam niya ang mga gagawin ah?
"As you wish, Khalil." pagsang-ayon ko sa plano niya at itinuon ang sarili sa binabasa. I'm not that clingy to him. Ayokong maissue.
"Ililibre kita afterwards." biglang nagising ang buong sistema ko pagkarinig ko ng libre. Mas gugustohin kong ako yung manlibre kesa ako ang nililibre...pero kapag siya, I let him spoil me. Di ko alam bakit ba? Gusto ko sigurong maranasan maspoil.
Parang minamadali talaga ang araw na to. Isang iglap lang, tapos na.
"Come." utos ni Khalil habang nakasakay sa bike niya.
Umangkas ako at sinimulan niya na ang pagpadyak. He stopped at the gown and suit shop saka kami pumasok.
"Good evening Sir Khalil." bati ng mga staff sa kanya. Kilala nila to?
"Forgot to mention, my tita owns this place and she's a fashion designer." he faced me. "Dito kami pumunta ni Mommy nung naghahanap kami ng suit for some purposes."
Nakakabasa ba to ng utak? Sa tuwing tinatanong ko ang sarili ko, sadyang sasagot siya randomly. Hindi ako naniniwala sa mga psychic pero parang maniniwala na talaga ako kapag isang beses na namang makakasagot si Khalil kahit di ko naman tinatanong.
Tumango ako at ibinaling ang sarili sa mga staff.
"Do you have any gown and a suit that fits us perfectly?" tanong niya rito.
"Yes sir! This way." magalang na saad ng isang staff.
She accompanied us to the gown section. As expected maraming gown pero what I didn't expect is that masyado palang magagarbo, malalaki, at matitingkad ang mga to. I can't even imagine myself wearing those.
Napakaseryoso ng mukha ni Khalil ngayon. Naka-awang ang bibig at kunot ang noo nito. Seems like he's searching for something.
"I'll pick the red ones." sabay turo sa magkatabing gown at suit na kulay pula. He stares at me and smiled a bit.
"Red compliments your white skin color." he holds my hand. "and also your red lips..."
I feel like my cheeks were turning red. Stop blushing Xylaire Flow!
BINABASA MO ANG
15 Reasons To Love You (ONGOING)
RomanceMahirap magmahal lalo na at hindi mo alam ang dahilan kung bakit ba? Why do we have to love if it ends up to be a mess? Xylaire Flow Avanzano, an indecisive boyish gamer girl living her life to the fullest. Currently taking BS Architecture as her...