Chapter 8

12 4 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng maayos pagkatapos nun. Pauwi, sakay parin ako sa bike ni Khalil. Tahimik lang kami buong byahe.

I can't remove his words inside my head.

"I like you, Flow"

"I really like you from the start."

Kinikilig ako na parang nahihilo na parang mamamatay dahil sa saya. I didn't even show my face after our conversation earlier,  napanganga lang talaga ako kanina.

He's way out of my league! Masyado siyang gwapo, I didn't expect that he also likes me.
I opened my phone and waited for him to text me. Sadyang mabuti si Lord sakin today.

From: Khalilyan

Hi, I'm sorry for confessing my feelings towards you earlier. I know you're not comfortable and I understand that you only see me as your bestfriend.

Agad-agad akong nagreply. I don't want him to wait.

To: Khalilyan

I don't know what to say but I'm speechless.

But thank you for admiring me, Khalil.

Yan lang ang nasabi ko. I don't wanna admit my feelings. Uso pa naman ang pranks ngayon. Baka pag umamin ako, sasabihan niya ako ng 'its a prank'

From: Khalilyan

Can I ask you something?

May pag-asa ba ako sayo?

Oo Khalil! Oo meron! Pakipot lang talaga ako!

To: Khalilyan

I admit that I also like you.

But I can't answer your question right now.

Nakapagconfess rin sa wakas! Kinakabahan talaga ako sa pinaggagagawa ko ngayon. Parang malapit na akong sumabog sa sobrang kilig. This is my first crush and my first love so why would I decline the opportunity to get to know him more?

From: Khalilyan

Alam kong naguguluhan ka pa.

And masyadong mabilis ang pangyayari.

But may I court you, Xylaire Flow Avanzano?

H-ha? C-court? Ano yung sa basketball ba?  Teka!!! Stop the car!

To: Khalilyan

Kung sa messenger ka lang nag-c-court, sa messenger lang tayo MU.

May tama ako sa sinabi ko. I don't wanna be courted on social media. Gusto ko personalan. Face to face!

Hindi siya nakareply kaya in-off ko muna ang phone ko. Pinoproseso pa ng utak kong walang laman ang mga sinasabi niya. Parang masyadong mabilis pero parang gusto ko siyang maging akin ng ganun kabilis. I've waited enough right? But as a woman with delikadesa, I have to give him some tests at dapat maibigay niya sa akin ang mga dahilan kung bakit ko ba siya mamahalin.

"Flow?" tawag ni Yaya Meng. "Dumating na po sila Ma'am at Sir, pinapatawag po kayo."

Si Mama at Papa? Kailan pa sila nakauwi? Ba't di ako informed na uuwi sila? Kung nagtext sila, baka sinundo ko pa sila sa airport.

Bumaba ako mula sa kwarto at nakita si Mama at Papa na nasa couch, nakaupo at may dala-dalang mga gamit.

"Oh my Flow!" masayang ani ni Mama. "Kailan ka ba nag-ayos? Parang nung nakaraan lang mukha kang lalaki!"

15 Reasons To Love You (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon