Chapter 31

10 0 0
                                    

Sabi nga nila, kapag nagmahal ka, masasaktan ka.

"Hay nako, umuwi kang basang-basa kagabi, mukha ka tuloyng totoong namatayan!" pangangaral ni Yaya Esther sa akin. "Ano bang nangyari ba't ang putla mo?"

Hindi ako nakinig sa kanya. Nakatulala lang akong nakaupo sa higaan ko na parang naghihintay nalang na mamatay o mabaliw at ipadala sa mental.

"Aira..." she called me. "Hindi ako sanay na ganyan ka. Anong problema?"

Tahimik parin akong nakatingin sa kawalan. Kunware walang naririnig.

"Magsabi ka, ayokong ganyan ang alaga ko." malambing na aniya na siyang nagpapatak sa luha ko.

Humagulgol ako sa pag-iyak at di ako makasalita. Iyak lang ako nang iyak habang tinatapik tapik ni Yaya ang likod ko habang niyayakap ako.

"Tahan na, ano ba kasing problema?"

"N-nakipagbreak..." tanging nasabi ko dahil inunahan ako ng luha ko.

"Ano!? Ang sama-sama pala ni Sir Khalil! Bakit siya nakipagbreak sayo!?" galit na saad ni Yaya.

"Ako po yung nakipagbreak." diretsong saad ko habang patuloy sa pag-iyak.

"Huh? Diba mahal na mahal mo yun? Bakit mo ginawa yun kung iiyak-iyak ka rin naman?"

"S-Sabi po ng mommy niya, k-kailangan kong gawin p-para sa ikabubuti niya." nauutal kong ani na parang nagsusumbong na bata.

"Hayaan mo na...meron talagang ganyan, yung akala mo siya na pero hindi talaga para sayo. Alam ng mga ina ang nakabubuti sa anak nila... Kaya respetuhin nalang natin." she said full of love and support from her heart.

She comforted me and tries to ease my mind. I don't really like people seeing me cry but for now, the pain is hard to bear and I must talk it out with somebody before I do things that could harm myself.

Ni minsan hindi ako umiyak nang dahil sa lalaki. Laging iniiyakan ko lang nun ay yung kapag nag-aaway kami ni Mavy at Courtney. Masakit pala ang breakup.

Kaya siguro ganito ang love life ko ngayon dahil sinumpa ko pati lovelife ko dahil sa nilalaro kong game dati.

"Wag kanang umiyak, ihahatid mo pa yung Mom at Dad mo next week.  Pakatatag ka, Aira." saad nito. "O 'sya, may tatapusin pa akong trabaho."

Umalis na siya sa kwarto ko at ako'y naiwan ditong hindi na umiiyak pero ramdam parin ang sakit.

Ilang araw ang lumipas, hinatid ko na sa airport sila Mom at Dad. Hindi nila alam na nagbreak na pala kami, they really thought that I was happy. Hinabilin nila sa akin ang kompanya kaya ako na ang nag-aasikaso sa mga gagawin lalo na't may bagong ipapagawa na building dito sa Makati.

"Señorita Aira, eto po yung mga papeles para sa gagawing new building ng DV Corp. Medyo marami-rami na rin po ang nag-apply na construction worker and engineers." saad ni Clea, personal assistant ko sa trabaho.

"Ah, thanks Clea." habang kinukuha ang papel na hawak niya. "Siya nga pala, meron na bang professional architect?"

"Meron na po Señorita, last month pa po siya na-hire."

"Oh okay, thanks again." I uttered and sat down to my very own office table.

Malawak ang office ko, sinadya ko ring magpalagay ng comfort room with bath tub, closet, kusina, at saka kwarto para hindi na ako uuwi ng mansion. There's a lot of work to do at hindi pwedeng mapagod akong pabalik-balik dito sa company araw-araw.

Hindi naman ako masyadong nahirapan nung first day ko sa trabaho dahil madali lang naman akong matuto.

"Hi baiii!!" si Jordana habang papasok sa office ko.

15 Reasons To Love You (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon