Chapter 19

9 2 0
                                    

I don't really understand why he knows me even though I just met him.  Sa bagay,  it's a small world afterall. Sa liit ba naman ng mundo, posibleng iisa lang ang taong nakilala mo.

"Ikaw si Meticulous Hotdog!?" tanong ko na may bahid na gulat.

"Yeah... That's why I told you before that I know you already." he replied.

"Kahit nung hindi pa tayo nagkakilala sa game at natalo moko sa tournament?"

He nodded as an answer. Bakit? At pano?

"How?" I asked again. Natahimik siya saglit na para bang nag-iisip ng sagot.

"Connections... I mean mutuals? Like mutual friends." he answered respectfully. Connected nga naman ang facebook account ko sa gaming account ko. Hindi malabong magkaroon kami ng mutual friends.

"Ahh ganun ba." tumango-tango ako at lumingon-lingon kahit saan.

Ang awkward. Nakatayo lang kami dito na parang tanga. Hindi ko alam anong sumagi sa utak ko nung inaya ko siyang magkita. Parang pinagsisihan ko yun ahh.

Umubo siya ng masasal upang makuha ang atensyon ko.

"Kumain muna tayo, saan mo gusto kumain?"

"Jollibee!" buong sigla kong ani.

Napangisi siya at sinamahan niya akong pumasok sa Jollibee. Siya na rin ang nagorder, katulad lang rin nung inorder namin nung nakaraan.

"Okay so how's your life?" random na tanong nito.

"Maayos lang naman. Masaya... Eh ikaw diba sabi mo crush ka rin ng crush mo?" pag-iiba ko sa topic.

"Wala, assuming lang pala ako." mahina siyang tumawa. Kawawa naman haha.

Kinain ko na ang pagkain ko. Wala na akong dapat pag-usapan pa. Parang gusto ko nang umuwi.

"Wala ka bang itatanong sa'kin or what?" saad nito.

Ano nga bang itatanong ko? Nawala sa wisyo ko ang magtanong-tanong.

"Ah! Bakit ang galing mo sa tournament?" sabay titig sa malamlam na mata niya.

"Ako yung may-ari ng game eh." ha?

"Ha?"

"AG Arena? That's mine also." he smiled at me, looking so proud of himself.

Hindi pa maproseso ng utak ko ang sinabi niya. Siya ang may-ari nung Arena pati yung game???

"AG stands for Austin Grey.
C-Games owns the game. C stands for Camino." he added.

"Ahhh kaya pala sainyo yung game kasi sabi niyo Cami-No!" pagbibiro ko sabay tawa.  Hindi siya natawa.

Bakit hindi niyo talaga gets ang humor ko?

Inayos ko ang pagkakaupo bago ibinalik ang tuon sa pagkain. Nakakahiya magjoke sa mga hindi mo kahumor.

"Kaya rin pala agad tayong pinapasok dun sa facility. Natakot siguro yun sayo." pag-iiba ko ulit ng topic.

"Yeah." tipid na sagot niya.

Sa sandaling katahimikan, biglang nag-ring ang cellphone niya.

"May I take this call here?" magalang na tanong niya.

"No probs." tipid na sagot ko.

Sinagot niya ang tawag.

"Hello dad?" wow dad.

"Diba sabi ko sa inyo ayokong umuwi!" diin na saad niya sa kausap sa cellphone.

"Ah umuwi kana siguro, hinahanap ka na ng dad mo." I said. Kumunot ang noo niya at umiling-iling, senyas na hindi siya sang-ayon sa sinabi ko.

15 Reasons To Love You (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon