Chapter 10

14 4 0
                                    

Today is the day that I'll come over the stage and show off my drastically beautiful red gown along with my shining shimmering red heels. I looked gorgeous today and I didn't expect how far I've been. From a boyish gamer girl into a sassy classy girl real quick!

Kinakabahan ako hindi dahil sa maraming estudyante sa ibat-ibang department ang manonood kundi mayroong mga judges na galing pa sa ibang universities. Judges will be my biggest fear.

Naririnig ko na ang hiyawan ng mga estudyante. Nasa likod kasi kami ng stage at tatawagin lang daw kami ng emcee.

I saw Khalil on the other side. May nag-aayos rin sa kanya. Suot-suot niya ang pulang suit na pinili niya sa shop. To my surprise, he's also wearing a red leather shoes.

Nang matapos na ang taga-ayos niya na ayusan siya, he quickly came into me. Napanganga siya nang makita ako na para bang di makapaniwala. Kung ako yan, di rin ako maniniwala.

"Wow!" he exclaimed full of joy and excitement inside his eyes.

"Anong wow? Ulol!" pabiro kong saad sa kanya na siyang nagpangiti sa kanya ng malaki.

"Good luck for the both of us." aniya bago inayos ang suit niya. "Win or lose, you'll still gonna win."

Ano raw? Win or lose, mananalo pa rin ako?  Lutang ba siya o ano?

Naririnig ko na ang nagsilakasang volume ng speaker pati na rin ang pagtalak ng emcee sa stage. In-introduce na ang ibang contestants at kami na ang susunod.

"And now for entry number 7. From Architecture Department Section A, Ms. Xylaire Flow Avanzano and her escort Mr. Khalil Nathan Salazar!" the emcee said joyfully.

Lumabas kami sa stage at rumampa na para bang totoong models. Naghiyawan ang mga estudyante, kitang-kita ko si Mavy sa di kalayuan na napapalakpak para sa amin.
Kahit ang mga estudyante sa ibang department ay sayang-saya habang nakatitig kay Khalil. Tsk... Whatever.

Nilapitan kami ng emcee at binigay sa akin ang microphone.

"Greetings everyone, I'm Xylaire Flow Avanzano, 21 years existing at naniniwala sa kasabihang 'If the person you like doesn't like you back, PILITIN MO!' and I thank you!" biro ko na siyang nagpahalakhak sa lahat pati na rin ang mga judges. Parang nakukuha ko na ang atensyon nila.

"That's our tomboy!"
"Go Avanzano!"
"Baka Flow yan! "
Kanya-kanyang sigaw ng mga estudyante at mga kaibigan ko.

Iniabot ko ang mic kay Khalil. It's his turn.

"I'm Khalil Nathan Salazar with the age of 21 and I believe that 'You can find a loyal man but it's hard to find a faithful man.'" sabay harap sa akin. Ako ba ang pinariringgan neto? "And I thank you."

Nagsipalakpakan ang lahat sa sinabi ni Khalil. Kanya-kanyang tilian ang mga kababaihan sa campus. Sarap pag-untugen eh noh.

"Ang pogi mo Khalil!"
"Kung ako nalang sana!"
"Pogi mo!"
Mga naririnig ko sa kanila. Chill Flow, may karapatang pantao ka pero wala kang karapatan sa kanya.

Bumalik na kami sa likod ng stage para hintaying maubos ang lahat ng contestants.

Talent Portion na kaya hawak-hawak ko ngayon ang gitara ko. Tanging ang mga babae lang ang magpapakita ng talent. Swerte ng mga boys.

May bahid ng panginginig ang kamay ko dahil sa kaba. Hindi talaga ako mapakali hanggang sa hinawakan ni Khalil ang kamay ko.

"Wag kang kabahan. You can't sing properly if you're too nervous." pagpapaalala niya.

15 Reasons To Love You (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon