Chapter 30

8 1 0
                                    

The day that I don't want the sun to rise. It is the day that two hearts starts to wreck.

"Eto Aira oh, ganda-ganda nito. Bagay na bagay sayo." ani Yaya Esther habang hawak ang isang black offshoulder dress na pinili niya sa loob ng walk-in closet ko.

Siya kasi ang pinapili ko dahil hindi ko alam ang susuotin mamaya. Basta sinabi ko yung pwedeng suotin sa patay.

"Sino ba ang namatay Aira at ito ang suhestiyon mo?" takang tanong ni Yaya Esther.

"Ako po yung paglalamayan Yaya." pagbibiro ko at natawa naman siya kahit papano. Tiyak na kapag uuwi ako mamaya, baka para akong namatayan kakaiyak.

Matapos kong maligo ay sinuot ko na yung napiling dress ni Yaya. It looks good on me.

"Maganda na po ba ako Yaya?" tanong ko. Hinintay niya kasi akong matapos maligo para icheck kung okay na ba ang suot ko.

"Maganda ka naman lagi, Aira." she smiled genuinely.

Lumabas siya sa kwarto. Umupo ako sa makeup table ko at nagsimulang magmakeup. Light makeup lang dahil sure akong iiyak ako mamaya. Dapat maganda parin kahit umiiyak.

Dinadaan ko nalang sa pagbibiro ang araw ko. Ayokong maiyak mamaya kapag nandun na ako sa Charleston Buffet.

Pwede bang magback out? Bawal.

Oh Diyos ko, ang hirap namang gawin yun. Hindi ba pwedeng baguhin ang isip ni tita?

I've promised already na tatlong araw lang. Hindi ako mangangako kung iyon ay napapako.

"Nandito na boyfriend mo, lumabas kana diyan." sabi ni Yaya Esther.

I went outside and I saw him standing right in front of his car. Wearing a formal suit as if mag t-thesis defense kahit hindi naman.

"Hey Hi!" bati niya sakin. Please stop being so nice to me, baka hindi kita pakawalan.

"Good evening!" he added. I was in front of him just looking at his gorgeous face. Walang ni isang segundo na ialis ko ang pagkakatitig ko sa kanya...gusto kong pagsawaang tingnan ang bawat sulok ng mukha niya na tila ba ito na ang huli. Yes this will be the last, Aira.

He took me to Charleston Buffet. Not so crowded lalo na't mayayaman rin ang mga nandito. He already reserved a lovely table for the both of us. Three candles with a wine bottle.

The waiter gave us the menu. I didn't order, aalis rin naman ako pagkatapos kong sabihin sa kanya ang pakay ko.

"Ba't di ka nagorder?" he curiously asked me while his brows furrowed.

"I'm not hungry." pilit akong ngumiti.

"Oh...okay..." he chuckled awkwardly while facing me. "Okay ka lang ba? Ang tahimik mo kasi kahit kanina pa sa sasakyan haha."

Tahimik lang kaming dalawa. Binalot ng awkwardness sa pagitan naming dalawa na tila ba may mali.

"Why're we here for?" malamig kong saad. Pilit akong nanlalamig dahil ayokong magtunog naiiyak ang boses ko.

"Flow..." he uttered and took something out of his pocket.

"I know matagal na kitang hinintay and I know to myself that you'll be my wife someday and you'll be the one I'll love until our hair turns white..." he muttered and opened the box he was holding... A ring.

"Will you-"

"I'm breaking up with you." I cut him off. His face became serious like he's upset and clueless at the same time.

"Wha-"

"I said, I'm breaking up with YOU." diin na saad ko kahit naiiyak na ang kaloob-looban ko. I don't wanna show how weak I am.

"Okay pa naman tayo kahapon diba? Nabibigla ka lang yata?" sarkastiko siyang natawa sa sinabi niya ngunit may bahid iyon na lungkot. "Nice joke, Flow. Prank to noh?"

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Tumayo ako at akma na sanang aalis nang hinawakan niya ang kamay ko.

"Pwede naman nating pag-usapan to diba?" pagmamakaawa nito.

Hindi ko namalayang nakatingin na pala ang mga tao sa amin pero wala akong pakealam at hindi ko na inisip iyon. Ang importante sa akin ay makaalis na dito bago ko pa bawiin ang sinabi ko.

Inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak at dali-daling lumabas ng restaurant.

Minamalas ka nga naman, masyadong malakas ang ulan. Ngunit kailangan kong umuwi. Susuungin ko ang ulan kahit magkasakit pa ako.

Sa pagmamadali ko, biglang may humawak ulit sa basang kamay ko... Si Khalil.

"Ano ba!" buong lakas na sigaw ko. "Bitawan moko!"

Hindi niya parin inialis ang pagkakahawak niya. Masyado na itong mahigpit kaya nasasaktan na ako.

"Bitawan moko sabi!" bulyaw ko pa rito.

"Tell me that you love me!" sigaw nito na nagpalambot sa tuhod ko. Hindi ako sanay na masigawan niya.

Tinitigan ko ang mga mata niya, para siyang naiiyak na hindi ko maintindihan. Halo-halong emosyon kaya't hindi ko mawari kung ano ba talaga ang nararamdaman niya.

Natagalan akong magsalita dahil pinoproseso pa ng utak ko ang susunod na isasagot ko.

"I don't love you, Khalil." I coldly said while forcing myself to remove his hands from mine.

Nasasaktan ako sa ginagawa ko pero ito ang sa tingin kong tama at ikabubuti niya.

"Please Flow, tell me na nabibigla ka lang." stop Khalil.

"D-Did I do something wrong?" No my love, you didn't do something wrong.

"P-Please don't do this to me." Kailangan.

"Ano ba ang problema?" Ako ang problema, Khalil.

Masyado na kaming basa sa ulan, walang planong tumila ito.

"Ang tagal kitang hinintay, Flow. Sobrang tagal. Ginawa ko naman lahat pero bakit ganto?" halata sa boses niya na para siyang maiiyak.

"Sinabi ko ba sayong maghintay ka?" I know I sounds rude but I have to. To be able for him to give up on me.

Biglang umiba ang timpla niya. He scoffed a little.

"Tell me the reason why?" biglang lumamig ang boses nito at inialis niya ang kamay niya.

"I've realized that... I can't imagine my life with you in the future." I slowly uttered. "So please let me go."

He's right there standing, thinking what's wrong and I know he's hurt deep down his heart. I broke the heart that I wanna keep so badly.

Mapait siyang ngumiti at iniangat ang mukha niya, sakto para makita ang mukha ko.

"So I guess it's the end?" mahina niyang saad. Still having pain inside his eyes

After him saying those words, I walked away from him. I didn't even looked back because I know once I look back, I'll stay and never mind about what his mommy says.

I'm really sorry, Khalil. Please choose yourself now. You're finally free, away from my world.

15 Reasons To Love You (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon