Chapter 28

5 1 0
                                    

Another day in my life. Can't even plant a smile in my face. Mahirap magpakasaya kung alam mo namang may gagawin kang labag sa kalooban mo.

"Yaya!" tawag ko kay Yaya Esther.

"Yes Aira?" sagot nito.

"Pwede po ba pahiram ng cellphone niyo?" tanong ko rito.

Ni minsan hindi ako bumili ng cellphone. Tanging telepono lang ang ginagamit ko dito sa mansion pantawag. Ang social media naman ay sa laptop ko lang.

"Oo naman, eto." ani nito sabay bigay sa akin ng cellphone niya.

"Ba't di po kayo bumili ng bago yaya?" tanong ko rito. Masyado na kasing luma ang cellphone I mean maayos pa naman siya pero old version na talaga ng Samsung.

"Hindi naman po kailangan, ang importante matawagan ko ang pamilya ko dun sa probinsya." sabay ngiti ng malapad.

Tumango na lamang ako at nagtext. Sana naman ay ganun parin ang number niya.

To: +69*********

Khalil,  ako to si Flow.

Naghintay muna ako ng ilang sandali. Agad naman itong tumugon sa text ko.

From: +69*********

Hello, my girlfriend

How are you?

Miss you :>>

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako sa mga tinext niya. Kahit sa text ang sweet niya. Kay tagal na nung huling nag text kami ng ganto.

"Parang may ngumingiti ah." ani Yaya habang ngumisi.

"Ahh wala Yaya ano ba." natatawa kong saad at ibinalik ang tuon sa phone.

"Tawagin mo lang ako kapag isasauli mo na yang phone." saad niya bago umalis ng kwarto ko.

To: +69*********

Let's hangout? Somewhere.

From: +69*********

Saan?

To: +69*********

Sunduin mo muna ako. :)))

In-off ko ang phone at saka naligo. Susulitin ko ang huling tatlong araw na kasama siya. I'll make this day even more special.

Nagsuot ako ng white long sleeves, black fitted pants, at flat sandals. Slingbag lang ang dala ko at kaunting cash. Simple lang kasi hindi naman kami pupunta ng mall. I found a nice place to go to.

Naghintay muna ako sa living room. Ibinalik ko na rin kay Yaya Esther ang phone niya at nagpasalamat naman ako ron. All I have to do is to sit back and wait for my boyfriend.

I'm pretty excited that I'm gonna see his face again. I wanna hug him tight and hold his hands forever.

"Señorita, nandito na po si Sir Khalil." tawag ng isang yaya at pinapasok si Khalil.

He's wearing a black polo shirt and black pants right now. Wavy hair not slicked back, hands on his pocket.

He sat beside me, holds my hand and kissed it as his greeting. "Let's go na?"

"Sige tara." ani ko at sabay kaming lumabas.

Bumungad sa akin ang sasakyan niyang pula. It is a Buggati Chevron, new model. But I don't wanna ride it.

Akma niya na sanang pagbuksan ako ng pinto sa passenger seat but I shooked my head as a sign that I don't want to.

"Bakit?" tanong niya habang nakaangat ang isang kilay.

15 Reasons To Love You (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon