Chapter 22

8 2 0
                                    

Aira Vivory De Valle POV

Hindi ko parin maalis sa isip ko ang lalaking yumakap sa akin sa mall kahapon. Tinawag niya akong Flow but that's not my name? He's familiar pero hindi ko na talaga maalala. Parang gusto ko yung yakap niya. Bawat salita niya para akong nanlalambot. Sino kaya siya?

"Yaya!" tawag ko kay Yaya Esther.

"Ano Aira?" malumanay niyang saad.

Umupo siya sa kama ko saka hinawakan ang kamay ko.

"Nung wala pa po ako dito sa mansion, hinanap ba talaga ako ni Mom?"

Alam ko namang hinahanap ako ni Mom pero gusto ko malaman pa ang mga kuwento tungkol roon.

"Oo naman siyempre, lagi yung umiiyak gabi-gabi!" she chuckled a bit. "Sinisisi niya sarili niya bakit ka niya iniwan pagkatapos ka niyang ipanganak."

"Ako ang unang kasambahay niya at 21 palang sya noong nakapagpatayo siya ng sariling kompanya. Mabait si Señora, nagkukuwento siya tungkol sa kabataan niya at yung parteng mahirap lamang siya noon." saad nito.

"Mahal na mahal ka ng Mom mo kahit wala ka sa piling niya. Ako ang tumayong kaibigan niya nung panahong hinahanap ka palang niya." she added.

Nakinig lamang ako sa mga kuwento niya. Kahit papano ay hindi ako naiinip dito sa mansion dahil may kausap ako dito na mas nakatatanda pa sa akin.

Sumunod na araw tinawag ako ng isa ko pang yaya, si Yaya Vicky. May bisita daw ako, kaibigan ko raw. Wala naman akong kaibigan ah?

"Señorita, may bisita po kayo. Mga kaibigan niyo raw ho." saad ni Yaya Vicky.

"Huh? Wala naman akong inaasahang bisita ah?" takang tanong ko.

"Paalisin ko na po ba?"

"Wag! Papasukin nyo po, susunod nalang ako." pagputol ko sa kanya.

Naligo muna ako at naghanda. Di ko alam pero wala naman akong kaibigan pero may sariling utak ang katawan ko na maligo at magbihis ng pormal para harapin ang di ko inaasahang bisita.

Suot ko ngayon ay isang eleganteng silk dress na galing pa sa Australia na regalo ni Dad sa akin.

Dahan-dahan akong bumaba at bumungad sa akin ang dalawang babae na parang sabik na makita ako. Ang isang babae yung nakita ko sa facebook na gitarista, hindi ako magkakamaling siya yun at ang isa pa ay pamilyar lang pero di ko alam bakit.

"Flow!!!" sigaw nung isang babae

Pagkababa ko ay niyakap nila ako ng mahigpit. Hindi ako nakaimik dahil hindi ko rin alam kung paano sila babatiin.

"Kumusta kana? Okay ka lang? Ganda-ganda mo na!" saad pa nung isa.

"S-sino po kayo?" mahinahong saad ko na ikatingala nila. Gulat silang pumiglas sa pagkakayakap sa akin.

"W-wala kang maalala, Flow?" dahan-dahang tanong ng babae. Umiling ako bilang sagot.

"Ako to, si Mavy. Bestfriend moko." saad niya.

"Ako naman si Courtney, bestfriend mo rin." saad nung isa.

"Sino si Flow?" tanong ko.

Sino ba talaga si Flow? Why do they call me that name?

"Ikaw... Ikaw si Xylaire Flow Avanzano. Architecture Department Section A? Bestfriend namin?" ani Mavy.

"W-wala akong matandaan." tanging nasabi ko sa kanila. "Help me regain my memory."

Their smiles widened as I said those words.

"Kung wala kang maalala, we'll introduce ourselves again just like what we did noong una tayong nagkakilala sa school." Courtney said and lends her hands. "I'm Courtney Max Esperanza, a Flight attendant."

15 Reasons To Love You (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon