Chapter 14

11 1 0
                                    

Ano nga ba talaga kami? Minsan ko na gustong itanong yan sa kanya pero hindi ko magawa-gawa. I have doubts about it.

He's courting me and I know that he'll do anything to win my heart. But for now I'm not ready to have serious relationship with him. Ano ang isasagot ko?

"Sorry nabigla ka siguro..." inalis niya ang kamay sa pagkakahawak sabay kamot sa batok niya. "No worries, I know you're frustrated right now..."

Tahimik lang ako. Pansin niya na hindi ako komportable sa tanong niya.

"I got to go sleep. Good night too." he awkwardly said while closing the door.

Magkaibigan o magka-ibigan? I'm still confused. Hindi ba pwedeng 'masaya' muna? Parehas kaming may nararamdaman pero natatakot akong magcommit. It is not the right time to accept his courtship.

Hindi pa masyadong klaro sa akin ang kinabukasang kasama siya. Inaamin kong mahal ko siya pero gusto ko muna siyang kilalanin ng lubos kesa naman siya lang ang nakakakilala sa akin. To be loved is to be known.

Nahiga na ako sa kama at binuksan ang phone ko. Mavy texted me.

From: Mavylat

Beh bukas ng gabi may gig ako. Samahan moko fleece!

Mavy is the lead guitarist of their band. Sa akin siya natuto mag-gitara kaya ginawa niya itong hanapbuhay. I'm proud of this girl.

To: Mavylat

Kaya mo nayan uy.

From: Mavylat

Sige naaa. Pweaseeeee... :(((

To: Mavylat

Ok fine. Saan ba yan?

From: Mavylat

Puntahan lang kita. Goodnight na mwa!

Matapos ang usapang iyon, natulog na ako ng mahimbing. Nawala na ang lagnat ko kaya hindi na masyadong masakit ang katawan. Komportableng-komportable akong natulog sapagkat alam kong natutulog si Khalil sa bahay ko.

Bigla nalang akong nagising nang makaamoy ako ng ulam sa panaginip ko. Gutom lang siguro to.

Inayos ko ang higaan bago gawin ang skincare routine ko. I washed my face and wipe it with a clean dry towel. Naglagay na rin ako ng facial cream para hindi magmukhang matanda ang mukha ko.

Hindi naman talaga ako nags-skincare dati, talagang ginagawa ko na to simula nung natuto na akong mag-ayos like a real girl.
Binago talaga ako nang dahil sa lalaki. Huiee ano yun? para namang kanta ni Moira na Titibo-tibo.

Pagkababa ko ay nagtungo ako sa kusina. Ganon na rin ang gulat ko nang nakita ko si Khalil na nagluluto ng agahan wearing his white sando and apron. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan niya. He's like a Greek God!

"Hala bakit ka nagluto?" takang tanong ko. He looked so god-damn handsome kahit umaga palang he's so fresh!

"I have to go to school remember? Ikaw lang yung suspended." aba talagang pinapamukha sakin na suspended ako ah!

"Che!" sabay irap sa kanya at nagtungo sa lamesa. Naghihintay lang akong matapos siya magluto. Bahay ko to noh! Syempre sakin yung mga 'ingredients' na ginamit sa pagluluto niya.

Sabay kaming kumain ng niluto niyang scrambled egg at noodles.

"S'ya nga pala, pupunta ako sa gig ni Mavy mamaya kaya wala ako dito sa bahay." ani ko.

15 Reasons To Love You (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon