CHAPTER 1

32 3 0
                                    

STORMAY LYN POV
🕘

"Okay kalang ba Ness?" Kinakabahan kong tanong kay Ness. Nandito kami ngayon sa hospital, dahil manganganak na ang bruha kong kaibigan.

"Kapre! Lakasan mo ang paghila!" Inis na sigaw ko sa kanya.

"Ahhhh! Di ko na kaya! Ang sakit!" Naluluha naman akong nakikita ang kaibigan kong nahihirapan.

"It's okay, darling. Mawawala rin yan kapag iluluwal mo na ang anak natin." tumango naman akong tipid na ngumiti kay Ness. Pinapapagaan kolang ang loob ni'ya. First time tong manganak ang babaeng to.

"Just calm down, honey," pagpapahinahon sa kanya ni Ezikiel. Kumapit naman ng mahigpit si Ness sa kamay ng kanyang asawa.

"Wag mo akong iiwan, samahan mo ako," mapupungay na pakiusap ni'ya sa kanyang mga mata.

"Dito nalang po kayo," sambit saamin ng nurse. Huminto kami ng makarating kami sa Operating Room.

"No! Papasok ako sa loob." diin sa boses ni Ezikiel sa isang nurse.

"Pero Si--"

"I own this hospital so sasama ako sa loob." malamig na tinignan ni Ezikiel ang nurse bago tumango.

"Ness, kaya mo yan. Nasa labas lang ako," mahigpit ni'yang binitawan ang aking kamay kaya napahawak nalang ako saaking noo. Nakaka Stress naman kapag nanganganak ang kaibigan mo. Bakit pa kasi gumagawa? Masakit ba?

"Ahhh!" Rinig kong daing ni Ness bago sinirado ang pintoan ng operating room. Kinakabahan naman akong naglakad-lakad.

"Ano ba Tokwa! Di kaba nahihilo?" Tinaasan ko naman si'ya ng kilay.

"Pumunta ka dito at gayahin mo ako. Sabihin mo saakin kung nahilo ka ba?!" Sarkastikong sagot ko sa kanya.

"Sayo ko tinanong, bakit napunta saakin?"

"Kasi Kapre ka!!" Inis na sigaw ko. Napakunot noo naman itong tumingin saakin ng masama.

"Atleast mataas," pagmamayabang nito. Oo, aaminin kong mataas si'ya but I don't care.

"Pakialam ko ba,"mahinang sambit ko.

"What?!"

"Sabi ko bingi ka!" Diin kong sigaw sa kanya.

"Me?"

"Sayang naman yong pagiging mataas mo kong bingi ka! Kapre ka! Bingi! Bingi!" Pinagtinginan naman kami ng mga taong nagdadaraan dito saaming gawi, pero wala akong pakialam.

"Fvck shut up, tokwa!"

"Paano ako tatahimik? E may bibig ako! Bingi!" Naiinis ako sa kanya. Bakit ba kasi ito nandito? Nakakasira ng good mood ko.

"I'm not bingi tokwa!" Pandidiin nito.

"E ano ka?! Hah!" Lumapit ito saakin at napaangat nalang akong tinaasan si'ya ng kilay.

"Pandak!"

"Atleast cute," pagmamayabang ko. Tumawa naman ito ng pagak at tumingin saaking nakayuko. Oo, aaminin kong mataas ang kapreng to at hanggang balikat ni'ya lang ako, pero pakialam ko sa binging to.

Series3# OUR WORLD (COMPLETED)Where stories live. Discover now