STORMAY LYN POV
🕘"Ate, bilisan mo! Mauubusan tayo ng pagkain doon," ang ingay naman ng babaeng to. Nagbibihis panga ako e, dapat presentable kapag pumupunta ako sa isang kaarawan. Nanghiram lang pala ako ng damit ni Bella. Actually same size kami ng damit.
"Ate ang tagal!" Sigaw nito sa pintoan ng kwarto ko. Pairap naman akong sinuklayan ang basa kong buhok. Wala naman blower dito kaya no choice ako kundi suklay nalang. Kapag nandito si Kapre hahanap yon ng paraan para mablower ang buhok ko.
"Sandali," pasigaw ko.
"Bella, ano bang ingay yan? Nagbubulabog ka sa mga ibon natutulog," rinig kong boses ni Manong Dante. Pinapagalitan yata ng ama. Ang ingay kasi e.
"Si ate kasi," napangiti naman akong nakikinig pinapagalitan si Bella sa ama niya.
"Hayaan mo ang ate Stormay mo, wala ka kasing alam sa test ng damit."
"Papa naman e, di niyo gusto? Sige ka kapag magdadamit ako ng maayos baka ligawan ako ng mga binata sa probinsiya natin." Rinig ko sa paglalambing sa boses ni Bella sa ama.
"Matanda naako anak, malapit ka narin magtapos ng kolehiyo kaya nga masaya ako kung may kasintahan kanv ipapakilala saakin." Rinig ko kay Manong Dante. Rinig naman kasi ang boses nila, kasi nandon sila nag-uusap sa harapan ng pintoan ng kwarto ko. Aaminin ko pala kutson na ang hinihigaan ko, hindi na kawayan.
"Papa naman e!" Inis sa boses ni Bella sa ama. Napailing naman akong inayos ang buhok kong basang-basa parin. Lumabas ako ng pintoan at bumungad saakin ang dalawang magkayakapan.
Anong nangyari?
"Ali kanga, iha." Pagpapalapit saakin ni Manong Dante kahit taka man ay lumapit ako sa dalawang magkayakapan. Niyakap kaming dalawa ni Manong Dante kaya napatugon rin naman ako.
"Bigyan niyo ako ng apo bago ako mawala," nagtataka naman akong tumingin. Apo? Humiwalay ito ng yakap saamin dalawa habang nagtataka paako kay Manong Dante.
"Papa naman e,"
"Anak na ang turing ko sayo, iha. Kaya nga bigyan mo narin ako ng apo. Gusto ko yung totoy na kasama mo." Sambit ni Manong Dante. Anak?
"Papa, si kuya Mark po yon, gwapo diba?" Siniko ko naman si Bella pero nginisihan lang ako ng gaga.
"Mabuting bata," tanging na isambit ni Manong Dante habang ang kanyang malawak na ngiti ay na saaming dalawa ni Bella. Ang saya magkaroon ng pamilya. Pamilya na maituturing mong totoo.
"O sya, umalis na kayo. Hinihintay na kayo ni Aling Marita doon." Tumango naman kaming dalawa ni Bella bago umalis. Hindi na kami nag-abalang sumakay ng tricycle kasi malapit rin lang naman ang bahay ni Aling Marita. Ang mama ni Officer Clint.
"Basta, hingian mo ako ng maraming biko Bella huh, dadalhin ko paluwas sa maynila," pag-uusap namin habang naglalakad sa lupang daanan. Di kasi sementado ang daanan nila Officer Clint.
"Ate, nakakahiya naman. Ramihan mo nalang mamaya para naman di tayo sabihin don walang kain. Nakakahiya sa mga bisita." Napasimangot naman ako sa naging sagot saakin ni Bella. Nakakahiya naman kasing manghingi ng biko.
Ahh bahala na kung ano ang gagawin ko.
"Sure kang inimbitan ako huh," turo ko sa kanya.
YOU ARE READING
Series3# OUR WORLD (COMPLETED)
RomanceThe worlds of men and women are different. Loved each other, but who is heavier? The man's world or his world. Sometimes we come to a point where we have to decide what is best for many people, that's why this story is the love of two people who use...