CHAPTER 36

25 1 0
                                    

STORMAY LYN POV
🕑

Ang buhay ng tao ay hindi nakadepende sa swerte, dapat marunong kang harapin ang suliranin mo. Kung nabuhay ka sa mundo na puno ng paghihirap at hinanakit kailangan mo lang harapin iyon, dahil di mo alam kung ano ang magiging kapalaran mo sa dulo.

Ang mundo ay umiikot. Kaya ang buhay mo rin ay umiikot, ngayon ko lang napagtanto na maganda pala ang mundo. Noon, pinaniwalaan kong pangit ang mundo pero ngayon alam ko na sa sarili ko kung paano pinapaganda ng mundo ang buhay na naninirahan dito.

"Ayos kalang ba Lyn?" Tumango naman akong nginitian si Cassie. Ngayon gabi ang araw na pag-alis ko. Oo, sumama ako kay Cass  para sa gusto ng papa at mama ko. Si mama naman ay ligtas sa sinagawang operasyon. Binabantayan siya ni Manang Nolly. Malungkot man na hindi ko maalagaan si mama ay kailangan kong magtiis para kinubukasan namin dalawa.

"Sabihin molang kung ayaw mo sumama, di naman kita pipigilan," puno ng marahan sa boses nito.

"I'm okay Cass, kinakabahan lang ako kapag nakarating ako sa Manila. Manila palang takot naako, what if kung sa ibang bansa pa," napatawa naman si Cass sa sinabi ko.

"Lyn, I'm here. Di kita iiwan," pagpapalakas loob nito saakin. Marahas naman akong napabuntong hininga bago napangiti ng malawak.

"Okay let's go, kaya ko'to!" Pumasok ako sa kotse. Ihahatid kasi kami sa Manila ni Manong Simon. Ang driver ni Cassie noon ng nag-aaral pa kami sa college.

"Tara napo Manong," utos ni Cassie ng makasakay ito sa tabi ko. Mayaman si Cassie pero di ko nakita ang pagiging matapobre nito saamin. Iba talaga kapag may kaibigan kang mayaman.

Wag kang mag-alala Ma, Pa. Babalik akong may narating sa buhay. Babalik ako at magiging proud kayo saakin.

"Magpahinga ka muna Lyn, gigisingin nalang kita kapag nakarating na tayo," umiling naman ako.

"Hindi paako inaantok," simangot ko. Na miss ko kasi si mama.

"Kwentuhan nalang kaya kita sa trabaho ko," malawak naman akong napatango-tango.

"Okay, actually I'm working to MSV Company kung saan nandon ang mga proffesinal na mga engineer. Gusto mong mag-apply don?" Tanong nito saakin.

"Sa mga high class lang ang pwede doon," pag-nguso ko. Nangunot naman ang noo nitong pinaharap ako sa kanya.

"Anong high class? Look Lyn, hindi mahalaga ang high class kapag proffesional ang pag-uusapan, ano ba pakialam nila kung mag-apply ka?" Masungit sa boses nito.

"Baka di ako tanggapin, alam mo naman bobo ako, di--

"Who said?! At lalampusihin ko pagmumukha non!" Inis sa boses nito. Sasabihin ko ba na isa sa nakatrabaho ko sa construction.

"Look beshie. Your not bobo. . . Kung bobo kaman di sana wala kang diploma ngayon. Bakit kasi sobrang bait mo? Yan tuloy madalas kang inaapakan ng mga tao," bakit masama ba maging mabait? Ayaw kolang naman kasi lumaki pa ang gulo kaya hinahayaan kolang na pinagsasalitaan nila ako ng masama. Si Cassie ay Summa Clau Maude kaya ang layo ng high class ko sa kanya. Bakit ko ba naging kaibigan ang isang maganda, mayaman, mabait at matalino? Samantala ako pangit, mahirap, at higit sa lahat bobo!

Series3# OUR WORLD (COMPLETED)Where stories live. Discover now