CHAPTER 24

26 0 0
                                    

STORMAY LYN POV
🕘

Mensahe for Bathaluman:

Dyosa ng kidlat, pinababalik na kita sa kalangitan. May dalawang araw bago magpaalam.

Nagising naman ako bigla. Mabilis akong napabuntong hininga bago napalinga-linga sa paligid. Dalawang araw? Para magpaalam?

"Kapre," tawag ko habang nagunat-unat sa balikat. Nasaan naman yon?

"Kapre!" Pangalawang tawag ko. Tumayo ako sa pagkakahiga at naglakad papunta sa kusina.

"Kapre," pangatlong tawag ko.

"I'm here honey," malawak naman akong napangiti. Ayon nagluluto lang pala ang kapre! Grabi yong panaginip ko kagabi. Nanaginip lang naman ako hinalik-halikan ako ni Kapre.

Pumunta ako doon at malawak itong nginitian. Ang gwapo parin kahit bagong gising.

"Come here," nagtataka naman akong lumapit sa kanya. Nakaangat ako, pero mataas parin haggang dibdiban lang talaga ako.

"Ano niluluto mo?" Tingin ko sa niluluto niya, nagulat naman ako ng mabilis niyang higitin ang bewang ko bago ako hinalikan. Napapapikit akong dinamdam ang mabango nitong hininga.

"Good morning," pagbati nito saakin. Nakatulala lang ako habang nakaangat ng tingin sa kanya. Di ko alam pero di ako makagalaw. Para akong naestatwa. Ano to?

"Hey," napabalik naman ako sa ulirat ng mahinang tinapik ni Kapre ang pisnge ko.

"Huh?"

"Are you okay?" Hawak nito sa magkabila kong pisnge. Napatingin naman ako sa kamay nito bago napaangat ulit ng tingin.

"Ano ba ang ginawa mo saakin?" Na itanong ko sa kanya. Nangunot naman ang noo nito. "Wala akong ginawa sayo honey," pagdidiin nito. Meron! May ginawa ka saakin kaya nagustuhan kita.

"Gusto ko ng kumain," pananatiling seryuso sa boses ko. Ngumiti naman ito kaya nakaramdam ako ng pang-iinit sa magkabila kong pisnge.

"Your blushing,"

"Blushing?" Inosenteng tanong ko. Tumawa naman itong hinalikan ulit ang aking labi kaya para na naman akong naestatwa. O my god! Ano 'to? Babalik naako sa makalawa, sa kalangitan.

"Innocent," tanggal ng kamay niya sa magkabila kong pisnge. Umiwas ito ng tingin saakin at pinagpatuloy ang pagluluto. Mas lalo nang-init ang magkabila kong pisnge ng napatingin ako saaking bewang.

Pinipisil-pisil niya iyon na parang stap toy. Ano ba ang pinag-gagawa ng lalaking 'to. Hinayaan ko na lamang siya sa kanyang ginagawa habang busy kakatingin sa kanyang niluluto.

"Mukhang masarap," natatakam na sambit ko. Alam niyo food is my life kaya wag niyo naakong sabihin matakaw, dahil matakaw talaga ako.

"Mas masarap ka," bulong nito. Inirapan ko naman ito kaya napatawa ito ng mahina. Ano ba kasi ang sinasabi niya? Masarap? Masarap akong kainin? Upakan ko to e.

"Nasaan ka kagabi?" Pag-iba ko ng usapan. Hating gabi kasi ay nagising ko. Pagkapa ko wala siya kaya nagtataka ako kung saan ito nagpupunta sa di oras ng gabi.

Series3# OUR WORLD (COMPLETED)Where stories live. Discover now