CHAPTER 35

24 0 0
                                    

STORMAY POV
🕑

"Beshie ko!" Mabilis akong napalingon sa boses na narinig ko saaking likuran.

"C-Cassie?" Di makapaniwalang sambit  ko ng makita ko itong tumakbo papunta sa kinaroonan ko. Nasa likod niya si Daniel mukhang nagkita na ang dalawa.

"Beshie!" Sigaw nito ulit. Tipid naman akong ngumiti patakbo at sinalubong ito. Mabilis ko naman  siyang binigyan ng mahigpit na yakap.
I miss her!

"Beshie na miss kita, Lyn I miss you," mahigpit nitong yakap saakin.

" I miss you to Cassie," malambing na sambit ko sa kanya.

"Ang bilis mong tumakbo babe," hingal na sambit ni Daniel na huminto saaming harapan. Lumuwag naman ang pagyakap saakin ni Cassie tanda hihiwalay ito sa pagkakayakap ko.

"Babe?" Takang tanong nito. Nangunot naman ang noo ni Daniel na nagtaas baga sa naging tanong ni Cassie sa kanya.

"Don't be joking me babe, I'm not in a  mood," pranka sambit nito. Napanguso naman si Cassie sa naging sagot ni Daniel sa kanya.

"I'm just joking," yakap ni Cassie kay Daniel. Napatakip nalang ako saaking mata, because my eyes! Ang sakit makakita ng couple tapos sa harapan  ko pa talaga nagyayakapan.

"I miss you Daniel," hinalik-halikan ito ni Cassie sa mukha kaya iritadong suminghap si Daniel sa pinaggagawa ng girlfriend niya.

Nasa labas pala kami ng hospital. Dalawang araw ako hindi pumasok sa trabaho. Nag-alala kasi ako kay mama. Walang magbabantay at mag-aalaga sa kanya, dahil umuwi kahapon sina tita at Tito. Di ko nga alam kung saan ako makakahanap ng malaking pera para sa operasyon ni mama.

Gagawin ko ang lahat para maoperahan ang mama ko. Wala akong pakialam kung magbuhis buhay man ako.

"Miss me?" Napabalik ako saaking ulirat ng marinig ang paglalambing sa boses ni Cassie.

"C'on guys, I'm here! Nandito ako sa harapan niyo, konting respeto naman po," walang ganang asal ko sa kanilang dalawa.

"Inggit kalang," pang-aasar saakin ng pinsan ko. Nagtiim baga nalang ako tumalikod sa dalawang naglalambingan. Apat na buwan lang naman ang nakalipas, ang oa na nila.

"Hoy beshie!" Tawag saakin ng bruha. Kumaway nalang ako patalikod bago pumasok sa loob. Ramdam ko naman ang pagsunod ng dalawa sa likuran ko, pero di ko nalang pinansin. Maiinggit lang ako.

Wag niyo naakong tanungin kung may boyfriend ba ako. Sorry I have no boyfriend since birth. Paano nga naman ako magkakaboyfriend e kalat ang chismis ko sa boung baryo.

"Alam mo ang ganda ng Manila babe, gusto kitang isama para makita mo naman ang Manila," rinig kong pagsasalita ni Cassie sa pinsan ko.

"Pag-iisipan ko," sagot nito.

"Ang cold mo huh! May iba ka naba? Pinalitan mo naako? Mas maganda ba ako sa kanya?" Narinig ko naman ang iritasyon sa boses ni Daniel. Selosa talaga tong best friend ko.

"Wala akong iba Cassie, ikaw lang," diin nito.

"Then why ang cold mo saakin? I'm just joking that time! Hindi naba kita nabibiro ng ganon?" Napailing-iling naman akong binuksan ang pintoan ng kwarto ni mama.

Series3# OUR WORLD (COMPLETED)Where stories live. Discover now