STORYMAY LYN POV
🕘Masama ang loob kong nakauwi saaking condo. Kasama ko ngayon si kapre habang ako naman ay nakahiga sa kama. Bakit ba ayaw nila akong paniwalaan? Totoo ang sinasabi ko? Rinig na rinig ko ang sinabi ng kapitan.
"Tokwa nagluto ako ng paborito mo," tawag nito saakin. Natalukbong nalang ako ng kumot dahil sa sama ng loob kay Manong Dante.
Ayaw niya akong paniwalaan. Mas paniniwalaan niya ang pangit na kapitan na'yon?
"Tokwa," lapit nito saakin. Wala akong ganang makipag-awayan ngayon sa kanya. Alam ko naman narinig niya ang pinag-usapan namin kanina ni Manong Dante.
"Ano ba! Wala akong gana! Kumain ka mag-isa mo! O di kaya umuwi kana." Sambit ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito.
"Okay kapag nagutom ka, nasa ref lang." Di ko na siya pinansin haggang sa maramdaman ko ang pag-alis nito.
Napasinghap nalang ako sa kawalan bago ako dinalaw ng antok. Galit ako!
_
Naalimpungatan akong may yumuyugyug sa katawan ko. Mabilis akong napabangon at laking gulat ko nalang nandito ang dalawang kaibigan ko.
"Stormay balak mo bang patayin ang mundo!" Galit sa boses ni Ness Nagtataka naman akong napatingin sa dalawa. Bakit sila nandito?
"Anong sinasabi niyo jan?" Tanong ko.
"God sake you Stormay, tignan mo nga ang ginawa mo." Mabilis naman akong napatayo sa pagkakahiga at laking gulat ko nalang na umuulan pala ng malakas.
"Ano?!" Sabay sabi ng dalawa.
"Ano ba Stormay! Marunong kaba magkontrol? Mapapahamak ang mundo kapag ganyan ka?" Ganito ba talaga ang mangyayari kapag may sama ako ng loob o galit?
"Di ko naman alam yan e," sambit ko. Napaupo naman ang dalawa bago ako niyakap ng mahigpit.
"Di mo pa naiiyak yan no?" Tanong ni Yumi saakin. Umiling naman ako.
"Umiyak ka, ilabas mo ang sama ng loob mo ngayon, wag mong kimkimin Stormay. Mapapahamak ang nanalig sayo." Tumango naman ako di mapigilang umiyak sa harapan nila.
"I'm sorry, gusto kolang naman tumulong e. Di ko naman alam yon e," iyak na sumbong ko sa dalawa. Iyak lang ako ng iyak sa balikat ng dalawa.
Bakit ba sila nandito?
"Iiyak mo yan," pag-aalo nila saakin. Ang hirap pala maging dyosa ng kidlat kapag galit ka kailangan mong ilabas para naman di mapahamak ang mundo.
Ganito ba ang mundo? Ganito ba ang mundo nila?
Ilang oras akong umiiyak haggang sa tumahimik naako. Unti-unti narin tumila ang ulan at kidlat kaya nakahinga ng maluwag ang dalawa.
"Buti naman," mahinang sambit ni Yumi.
"Sinabihan ko na si Mark bantayan ka," inis sa boses ni Ness.
"Nasaan naman kayo yon?" Tanong ni Yumi
"Tawagan mo nalang Yumi, para naman gumaan ang pakiramdam kong may makakasama si Stormay kapag umalis tayo." Utos ni Ness sa kanya. Humiwalay ang dalawa sa pagkayakap saakin.
YOU ARE READING
Series3# OUR WORLD (COMPLETED)
RomanceThe worlds of men and women are different. Loved each other, but who is heavier? The man's world or his world. Sometimes we come to a point where we have to decide what is best for many people, that's why this story is the love of two people who use...