CHAPTER 3

12 3 0
                                    

STORMAY LYN POV
🕘

Dalawang araw ang lumipas...

"Table 15 Stormay," rinig kong utos ng katrabaho kong waitress rin. Dalawang araw ang na ang nagdaan at aaminin kong masaya akong nagtratrabahao.

Tulad ng sabi ko mas maganda kapag sarili mong pagsisikap. Nakakagawa ako ng ginto, pero sa isang beses lang sa isang araw kaya nga minsan lamang ako gumagawa ng ginto kapag may nangangailangan ng tulong.

"Stormay sa VIP room," napabuntong hininga nalang akong pumunta sa desk.

Nagtratrabaho ako bilang isang waitress sa sikat na bar. Maraming mayayamang pumupunta dito at higit sa lahat mga gang at mafia rin. May nakikita akong  nakikipaglampungan sa mga babae at lalaki.

"Bakit ako?" Suhesyon ko.

"Sino ba nakaasign sa second floor?" Malditang tanong saakin ni Camel. Si Camel ay katrabaho ko dito, pero laging mainit ang ulo saakin.

Ewan ko ba sa kanya. Umiinit rin ang dugo ko sa kanya.

"Ako!" Diin na sagot ko.

"Then go!" Diin na turo nito pinapaakyat paako. Akala mo naman kong sinong maganda e mas maganda ako sa kanya.

"Bilisan mo na nga!" Sigaw nito saakin tinaasan ko naman siya ng kilay. Sinisigawan niya ang katulad ko?

70:06:212:03:48
(Camel life)

Ang haba naman ng buhay ang babaeng to.

"Ano!" Napabalik na lamang ako sa ulirat ng may sumigaw saakin.

"Bakit kaba naninigaw impaktang babae ka!" Galit na sigaw ko. Peke naman itong ngumiti bago ako tinaasan ng kilay.

"Tanongin mo ang sarili mo," mahinang bigkas nito saakin. Maghahanap na naman ba si'ya ng gulo?

"Ano ba kayong dalawa jan? Nag-aaway kayo? Back to work!" Boses ng nagsalita kaya napairap nalang kaming dalawa.

Akala mo naman sinong maganda, pandak nga naman..

"Bitch!" Alis nito sa harapan ko.

"Matapilok ka sana," mahinang bulong ko. Aktong tatalikod sana ako ng may narinig akong hiyawan ng mga tao.

Tinignan ko iyon at nakita ko si Camel nakahiga sa sahig. Basang-basa ang kanyang damit, dahil sa mga natapon na tequila.

"Deserve." mahinang sabi ko bago napatawa.

Sinabi kolang naman matapilok, pero bakit sobra naman yata ang karma nito.

Napailing-iling na lamang akong umakyat sa second floor upang ibigay ang inorder ng mga costumer.

May nakikita qkong mga kababaihang sumasayaw. May nakikita din akong naghahalikan at higit sa lahat hindi tayo magpapahuli may nag-aanohan sa harapan ko.

Walang manners..

"Ahemm," pagtikhim ko. Nakakahiya naman, mukha nasa exciting part na sila. Mapagsabihan nga.

Series3# OUR WORLD (COMPLETED)Where stories live. Discover now