STORMAY LYN POV
🕘Nagising ako sa sinag na tumatama sa aking mukha. Nakapikit ako habang may hinahaplos na isang bagay. Bakit ang tigas? Dahan-dahan kong minulat ang aking munti mga mata at laking gulat ko nalang mukha ni kapre ang bumungad saakin.
"Kapreng pangit!" Gulat na pagtulak ko dahilan nahulog ito sa kama gawa sa kahoy. Ano ang ginagawa niya dito? Ano ang nangyari kagabi?
"Ganyan kaba kapag nagugulat?!" Inis na pagtayo nito kaya napakamot batok na lamang ako. Bakit kasi siya nandito? Wala naman akong naalala pinapasok ko siya. Sino naman kaya ang nagpapasok sa kanya?
"Kailan ka nakauwi?" Di mapigilang tanong ko. Tumayo ito sa pagkakaupo sa sahig bago umupo sa kama kinahihigaan ko.
"Ang sakit naman ng kama nayan. Ang tigas. Masakit rin yong likod ko." Pag-iba nito ng usapan. Nangunot naman ang noo kong tinitigan ito ng masama.
"Kailan ka bumalik?" Pagdidiin na tanong ko. Napasinghap naman ito bago napatingin sa leeg ko. Ano naman meron sa leeg ko?
"Nice mark," ngisi nito. Hinawakan ko naman ang leeg ko bakas ang pagtataka. Mark? Ano yon pangalan ni kapre? Basta ang natatandaan ko ay uminom ako ng tùba ibinigay kahapon ni Ante Delay. Pagkatapos ay black out na naman ako.
"Lasing ka kagabi ng dumating ako." Tipid na sagot nito. Lasing? Nalasing ako sa binigay ni Ante Delay saakin? So, nakakalasing talaga yon? Napatikhim naman ako bago dahan-dahan na lumapit kay kapre.
"Kapre," mahinhin na tawag ko sa pangalan nito. Di naman ako gumawa ng kahihiyan diba?
"What?!" May bahid ng inis sa boses nito. Ilang beses akong napalunok bago hinawakan ang braso nito. Tumingin ito saakin habang papikit-pikit naman ang mata ko. Para akong bata nagpapacute.
"Hmmm wala naman akong ginawa kagabi, diba?" Nangungusap kong tanong. Tinitigan niya lang ako haggang sa bumaba ang mata nito sa labi ko bago sa leeg.
"Wala naman akong ginawa kagabi, diba? Natulog naman ako, diba? Di naman kita hinalikan, diba?" Napaubo naman ito kaya confirmed. Lalo lumakas ang kabog sa dibdib ko ng ngumisi ito. No way! Ginawa ko talaga yon.
"Your cute," nagtaas naman ako ng kilay. Ang tanong ko ang gusto kong isagot nito. Kainis.
"Alam kong cute ako, pero yong tinatanong ko. Ano may ginawa ba ako kagabi?" Napahinga naman ako maluwag ng umiling ito. Sabi ko nanga talaga e maasahan ko talaga ang sarili ko.
"Behave talaga ako kagabi?" Masayang tanong ko. Ngumiti naman ito bago tumango. So di ako nanghahalik kapag lasing?
"God! Thank you!" Tili kong yakap sa kanya. Tumayo ako sa kama bago inayos ang pinagtulugan ko. Nakatulala lang si kapre pero di ko na siya pinansin baka may naalala lang.
Mabilis akong tumalikod. Aktong hahakbang sana ng may humila saakin paupo sa kandungan nito. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Para itong nagkakarerahan sa loob.
Naramdaman ko narin ang init sa magkabila kong pisnge. God! Kailangan ko na talaga magpatingin sa doctor di na normal ang puso ko.
"K-Kapre b-bitaw!" Utal na tulak ko. Ngumiti naman ito bago hinalikan ang aking labi. Nakaawang ang labi kong nakatingin sa kanya habang nakangiti. Bakit ang hilig ni'yang manghalik?
YOU ARE READING
Series3# OUR WORLD (COMPLETED)
Storie d'amoreThe worlds of men and women are different. Loved each other, but who is heavier? The man's world or his world. Sometimes we come to a point where we have to decide what is best for many people, that's why this story is the love of two people who use...