CHAPTER 38

39 1 0
                                    

STORMAY LYN POV
🕑

Ang akala ko ay makaalis naako sa paghihirap ko, pero mas may hihirap pa pala tong kinakaharap ko. Bakit ba nila ako kilala habang ako hindi? May nagpakilala na naman saakin isang babae. Bella daw ang pangalan. Secretary ng boss ko. Sino naman siya? I don't know her either. Ang sakit na ng brain ko. Saan ba ako pumunta? Nandon lang naman ako sa Isabela ng 25 years.

Wala akong naalala isa sa kanila.

"Ate, di mo talaga ako nakikilala?" Pareho kami ngayon nakaupo sa sofa ng opisina ng boss ko. Umalis ito kanina matapos akong sabihan ng mga bastos na salita. Ang vulgar ng bibig ang lalaking yon. Akala ko ba masungit.

"Sorry, pero di talaga kita nakikilala?" Paghingi ko ng paumahin.

"Anong paborito mong pagkain?" Ohh ano naman kinalaman sa paborito ko.

"Chicken curry at spaghetti,"
(Chicken curry and spaghetti,)

Bakit niya alam ang paborito ko?

"Totoo, ikaw nga si Ate Stormay ko," ayan na naman ang pangalan na Stormay. I don't like that baduy name.

"No, I'm not," pagdiin ko. Bakit kasi pinipilit nilang ako ang babaeng kilala nila. Diba pwedeng magkamukha lang, pero same kami ng pangalan. Ang weird.

"Did you still remember Manong Dante? Ang papa ko ate, miss na miss kana non. Ang tagal mong di dumalaw saamin sa probinsya and you even come to my graduation day." Hay nako, ang sakit ng head ko sa kanila. Namatay ba ako sa past life ko?

Pilit ko naman inaalala ang sinabi nito, pero ni minsan di ako nakapunta sa probinsya. Saang probinsya ba?

"Ate, di mo talaga naaalala?" Tumango naman ako. Napayuko naman ito kaya nakaramdam ako ng guilty. Bakit ba ako naguguilty e totoo naman di ko sila kilala. Kahit ang babaeng nasa  harapan ko ay di ko matandaan. Ang weird naman ng buhay sa babaeng nakilala nila.

"Pasensya na, pero di ko talaga kayo kilala," paghingi ko ng paumahin.

"Ayos lang naman na di mo kami naaalala, pero sana naman wag mo rin naman kalimutan si Kuya Mark. Matagal na siyang naghihintay sayo ate. Alam mo naman ang espresyon ng mukha non ng makita ka, diba?" Oo nga e, nung kakapasok kolang sa office niya ay naramdaman ko na  ang pagkasungit  at ang lamig sa boses nito. Pagkatapos nang makita ako ay nawala ng isang iglap. Grabi naman yata ang impact ko sa kanya.

"Four years siyang naghintay sayo ate, minsan naglalasing yan sinasabi di mo na daw siya babalikan, dahil ang sama ng ugali niya. Lagi ring galit sa mga babaeng umaaligid sa kanya. Except for me na kapatid ang turingan saakin." Bakit niya sinasabi saakin ang buhay ni boss. I'm not interested.
Pero bakit may parti sa puso ko ang pakinggan ang kwento ni boss? Bakit ang laki ng epekto ni boss saakin?

"Mukhang pumunta si Kuya sa bahay ng mga kaibigan mo. Magtatanong yata yon tungkol sayo."

"Kaibigan? May kaibigan ba ako?" Tanong ko. Napailing-iling naman ito tinapik tapik ang balikat ko.

"Gusto ko sana sabihin sayo dumalaw ka naman sa probinsya, pero mukha lutang kapa ngayon sa nangyari kaya sa susunod nalang. Miss na miss ka ni papa don. At isa pa malinis pa ang kwarto mo." Kwarto ko? Ang dami ko talagang tanong sa sarili ko na di ko masagot. Naguguluhan ako sa kanila.

Series3# OUR WORLD (COMPLETED)Where stories live. Discover now