STORMAY LYN POV
🕘Sa malamig na simoy ng hangin sa daanan ay ramdam ko ang aking kalayaan. Napag-isipan ko kasing maglakad-lakad muna para makapag-isip ng maayos. Ang daming tao napamahal saakin. Ganito ba ang pakiramdam may nagmamahal sayo? May taong ayaw kang umalis?
Umiyak pala si Lara ng umalis ako sa trabaho. Ilang oras konga pinatahan. E kasi naman sino ang hindi nakakamiss saakin e ang ingay ko raw lalo't ako lang ang kaibigan non sa bar. Lagi naman kasi kaming dalawa lang ang nag-uusap ni Lara. Ewan ko ba sa sarili ko. Si Camel naman ay nagpaalam saakin ng matino. Ewan ko biglang bumait ang bruha ng sinabihan ko siyang magreresign ako. At higit sa lahat ang narinig ko kanina.
Nadismaya naman saakin ang Manager, di ko nga alam kung bakit. Lagi lang naman kasi ako naghahanap ng gulo sa bar tapos si Manager ang nag-aayos. Diba ang wierd?!
"Hai miss," inirapan ko nalang ang lalaking nasa loob ng kanyang mamahalin kotse. Di ko alam kung bakit nagiging oa ako kapag may nakakasalamuha akong lalaki may ganitong ugali.
"Not available." Seryuso sa boses na saad ko. Umalis naman ito kaya napabuntong hininga ako. May problema na nga yong tao dumagdag kapa sa proproblemahin ko.
Ilang oras din akong naglalakad sa isang maliit na parti ng daanan. Di naman ako takot, ako nga ang diyosa ng kidlat diba.
"Pre chicks," rinig ko sa mga lalaking nakatingin saakin. Napasinghap ako sa kawalan at pinikit ang aking mga mata. Dinamdam ko ang sariwang hangin sa pumapasok sa ilong ko. Ang sariwa.
"Miss available kaba?"
"Pare, easy to get yan," rinig kong boses rin ng lalaki.
"Paisa lang naman e, di ko naman sho-shotain," napadilat naman ako saaking pagkakapikit at binalingan ang apat na lalaki.
"Senior high student?" Tanong ko. Di naman sila nagsalita kaya napasinghap ako.
"Pakialam mo!"
"Pasesnya na pero mas gusto ko ang kaedad kulang," prankang sambit ko sa kanila. Napaasik naman ang apat. Umiwas nalang ako ng tingin at nagsimula ng maglakad ulit. Ramdam ko naman ang pagsunod ng apat kaya napabuntong hininga akong napahinto. Naiinis talaga ako kapag may sumusunod saakin.
"Ano ba?!" Sigaw ko sa inis. Nakita ko man ang gulat sa mata nila, pero hindi ko na iyon pinansin.
"Mga bata pa kayo pero basagurero na!" Sigaw ko dahilan na napahinto sila sa paglalakad.
"Miss o-- Ate dapat wag miss! Wala kang galang!" Sigaw ko sa lalaking nakawhite polo at pants.
"Ate!" Diin ko sa ate. Napalunok naman ang apat at unti-unting binuka ang kanilang bibig.
"A-te," sabi nila ng sabay. Umupo naman ako sa bakanteng bench kaya tinaasan ko ng kilay ang apat.
"Umupo nga kayo," utos ko. Para naman silang aso na umupo sa tabi ko. Napasinghap ako sa kawalan bago tinignan isa-isa ang mga siraulong lalaking 'to.
"Sino ang leader niyo?" Pagtayo ko saaking pagkakaupo. Nakatayo ako sa kanilang harapan ngayon habang ang apat naman ay nakayuko. Problema nila?
"Sino?!" Sigaw na tanong ko. Tinuro naman ng apat ang nasa gilid kaya magkasalubong ang kilay kong tinignan ito.
"Angat ng tingin saakin!" Sigaw na utos ko. Ewan ko ba gusto kong ilabas ang inis ko sa apat.
"Diba sila yong grupo ng mga bully?"
"Halah, sino ang babae?"
"Sinabi saakin nakakatakot ang grupo nila,"
YOU ARE READING
Series3# OUR WORLD (COMPLETED)
RomanceThe worlds of men and women are different. Loved each other, but who is heavier? The man's world or his world. Sometimes we come to a point where we have to decide what is best for many people, that's why this story is the love of two people who use...