STORMAY LYN POV
🕑"Wag lang tayo magpakalasing huh, baka kasi ano pa ang mangyari saatin. Wala pa naman tayong kasama." Paalala ko kay Cass ng makababa kami sa kanyang magarbong sasakyan. Mukhang binigyan na naman siya ng daddy niya ng kotse.
"Don't worry I got you, walang babastos saatin dito," nakakalukong ngiti nito. Napailing nalang ako at di na ito pinansin. Mukhang ako yata ang di makapaglasing nito ng maayos.
Problema nga naman.
"Let's go," pag-aya nito saakin. Hay nako, mapapatawad kaya ako ni papa nito. Sorry papa, please pwede bang ngayon lang. Patawarin mo ako.
Hinila na ako ng bruha papasok kaya wala na akong nagawa kundi ang magpahila narin.
Pagkapasok namin ay tumambad saamin ang maraming mga kalakihan nakikita ko pa ang pagtingin nila sa gawi namin at narinig pa talaga ang mga sipol nila. Ang babastos.
Inirapan ko nalang sila bago napalinga-linga sa paligid at nahinto lamang aking paningin sa bakanteng upuan at mesa. Ako na ang humila kay Cass dahil nagsimula na itong uminom ng alak."Dito tayo," pagpapaupo ko sa kanya.
Napalinga ulit ako sa paligid at lalo lamang nahilo dahil sa mga ilaw na nakabandahara."Waiter, sampung beer dito. Ayaw ko ng tequila," sigaw ni Cass. Nakakahiya talaga ang babaeng 'to.
"Lyn, take a sit. Kinakabahan kaba? Mukha kang tanga jan," umirap naman akong umupo at minsan napapasulyap sa paligid. Maraming nag-iinuman at marami ding nagsasayawan. Pero pamilyar saakin ang bar na'to. Nakapag trabaho naba ako sa bar na'to?
"Ito napo ang order niyo ma'am," napaangat ako ng tingin sa isang babae nilagay ang aming order kaya nginitian ko nalang ito. Napatingin naman ito saakin at ngumiti ngunit napalitan rin ito ng gulat.
"Stormay," huh? Kilala niya ako?
"Yes, may I know you?" Tanong ko.
"Camel. Yung katrabaho mo noon sa trabaho na'to and also kaaway mo noon, pero naging magkaibigan ngalang ng umalis ka." Paliwanag nito na bakas parin ang gulat.
"Sorry, di kita kilala e, mukhang nagkakamali lang po kayo," tipid na ngiti ko. Nagkamot batok naman ito at yumuko.
"Enjoy your drink ma'am," tumango naman ako. Tumingin muna ito saakin bago umalis kaya nagtataka ko ito sinundan ng tingin, ang babaeng nag ngangalang Camel. Weird. Kilala niya ako?
"Inom tayo, Lyn," pag-aya saakin ni Cass. Tipid naman akong ngumiti at uminom ng kaunti. Ang pait, pero kire narin.
"Yohooo that's nice," sigaw ni Cass na tila nasisiyahan ngayon. Palinga-linga ako sa paligid at lahat ng mga tao ay nasaamin ang atensyon kaya napayuko nalang ako sa kahihiyan.
Lalong lumakas ang tugtug kaya minsan napapasayaw si Cass."Cheers," sambit nito kaya tinaas ko nalang ang aking baso bago nilagok yung akin. Tama ba tong ginagawa namin?
"One shot," umiling naman ako dahil nakakaramdam naako ng kunting hilo. Dalawang beer pa naman ang naubos ko. Bakit ang bilis ko naman yata malasing. Di naman saakin bago ang ganito kasi kapag may okasyon sa bahay ay pinapayagan ako ni mama at papa uminom ng kaunti kasama ngalang yung pinsan ko si Daniel. Si Daniel lang naman ang ka close sa side ng mama ko.
YOU ARE READING
Series3# OUR WORLD (COMPLETED)
RomanceThe worlds of men and women are different. Loved each other, but who is heavier? The man's world or his world. Sometimes we come to a point where we have to decide what is best for many people, that's why this story is the love of two people who use...