CHAPTER 20

4 0 0
                                    

STORMAY LYN POV
🕘

"Mabuti akong tao! Mabuti akong kapitan sa baranggay na'to!" Paghihingalo ng kapitan habang hawak siya ng mga  kapulisan.
Marami nakatingin sa kanya habang hawak ito ng mga kapulisan nagpupumiglas.

Anim na araw narin ang lumipas ng mapag-walang sala si Manong Dante. Nakaconfine parin siya sa hospital, pero mag mga pulis ang nagbabantay.
Sa anim na araw ay ginawan namin ng paraan ni kapre para mailantad ang baho ng kapitan. Hindi naman gumamit si Kapre sa pinagbabawal na patakaran sa lipunan kahit hindi ko pa alam ang mafia. Ano nga ba yon?

"Hindi ako masama! Mabuti akong tao!" Pagdidiin nito kahit ang dami ng ibidensya nagpapatunay na siya ang  salarin sa pagkawasak ng palay sa bukirin. Pagbibinta ng droga at higit sa lahat siya ang pasimuno sa pagsusugal.

"Si kapitan pala?"

"Naku! Naawa ako kay Dante nag file ba naman ako ng demanda sa kanya. So kapitan lang pala ang gumawa sa bukirin ko."

"Marami siya nasirang buhay sa pagbibinta niya ng droga sa mga binata at bata."

"Siya pala ang dahilan kung bakit nagsusugal ang asawa ko. Kaya pala laging ubos ang pera namin sa sugal."

"Masahol pa pala ito sa halimaw ang kapitan nayan!"

"Nararapat din yan makulong,"

"Dapat pinakulong nayan!"

Rinig na rinig kong bulungan ng mga tao. Sabi ko diba? Porket mabait sa harap ay magtitiwala na kayo. Hindi natin alam na ang pagiging mabait nila ay siya palang magpapahamak sayo. Kaya wag kang magtitiwala basta-basta.

"Miss Inisin," napalingon naman akong may tumawag saakin.

"Ayos kalang?" Tanong ni Mr Suplado saakin. Tumango naman ako bago napatingin sa kapitan isinakay sa sasakyan.

"Salamat pala," paglingon sa kanya. Gumuhit naman ang ngiti nito sa kanyang labi.

"Your always welcome. Di nga ako nakapaniwala nakahanap kaagad ng maraming ibidensya." Napakamot batok naman ako bago ngumiti ng tipid.

"Swenerte lang at isa pa kasama ko naman si kapre." Gumuhit naman ang inis sa mukha nito kaya umiwas nalang ako ng tingin. Bakit ba galit sila kay kapre?

"Attorney Zeke, sasama kaba saamin?" Tanong ni Officer Clint. Ang tumulong saamin sa paghahanap ng impormasyon.

"Oo, sasama ako. Magtatanong pa kasi ako sa kapitan nayan." Tipid naman na tumango si Officer Clint bago saakin.

"Good job Stormay. Sa susunod na pagkikita natin, ililibre kita." Lumawak naman ang ngiti ko.

"Sige basta yong biko pinakain mo saakin sa bahay ng  pamilya mo. Yan nalang ang ilibre mo saakin." Sambit ko. Napailing-iling naman itong tumango kaya malawak akong napangiti.

"Zeke. Let's go." Tumango naman si Suplado kaya binigyan ko muna ng daan si Mr Suplado para makadaan.
Maliit lang kasi ang daan kaya kailangan mo talagang mag-adjust lalo't madulas pa naman ang daan ngayon kasi kakatapos lang umulan.

Series3# OUR WORLD (COMPLETED)Where stories live. Discover now