STORMAY LYN POV
🕘Napatingin ako sa orasan ng aking cellphone ng mag vibrate na naman ito.
Kapreng bingi😊:
Honey, where are you? Maghahating gabi na at hindi kapa nakakabalik sa condo.Tokwang pangit❤️:
Paparating naako, naglakad lang kasi ako. Maghintay ka kung gusto mo.
Sent
Napabuntong hininga naman akong napasinghap sa kawalan. Walang hiya talaga ang buhay koHAHAHAHA. Ayaw kong umalis pero kailangan. Bakit ba ganito ang mundo?
Gusto kong sumaya sa mundong 'to. Gusto kong maranasan magmahal. Gusto kong maranasan tumanda. Gusto kong makita ang orasan kong umiikot. Ito ang pangarap ko sa buhay, pero bakit? Bakit?
"Ineng, pwede pakitulong," napalingon naman ako sa babaeng tumawag saakin.
"Po?"
Tinignan ko naman kung bakit naghihingi ng tulong ang matanda saakin. Kawawang matanda. May hila-hila itong kariton. Di ko tuloy namalayan na sa harapan pala ako ng matanda.
"Tulungan ko na po kayo," ngiti ko.
"Salamat Ineng, masakit na talaga ang likod ko." Malungkot naman akong tumango. Pumewesto naman ako sa unahan at hinila ang kariton.
"Ang bigat naman ng kariton mo Nay, sa susunod magpasama po kayo sa mga anak niyo," sambit ko.
"Wala akong mga anak Ineng, mag-isa nalang ako," malungkot na ani nito. Napatingin naman ako doon.
"Wala po?" Tanong ko.
Tumango naman ito kaya malungkot akong napayuko. Kawawa naman si Nanay wala si'yang mga anak. Walang mag-aalaga sa kanya.
"Ang asawa niyo po Nay?" Tanong ko ulit.
"Matagal naakong biyuda, Ineng," tawa nito. Tumango-tango naman ako habang hila ang kariton nito.
"Mahal niyo po ba?" Tanong ko ulit. Malawak naman itong tumango. Mahal ni'ya nga.
"Masaya po ako sa inyo Nay, di napo kayo nag-asawa?" Tanong ko ulit. Di naman ako nabibigatan sa hila kong kariton, medyo pinagpawisan ngalang.
"Hindi naako nag-asawa Ineng, mahal ko ang asawa ko," ramdam ko ngang mahal ni'ya e. Ano ba pinagsasabi mo Stormay?
"Kaya ikaw Ineng mahalin mo ang taong nagmamahal sayo. Baka magsisisi ka sa huli tulad ko." Mabilis naman akong napalingon kay Nanay. Umiiyak siya.
"Nay?"
"Ayos lang ako, naalala ko kasi ang asawa ko," huminto naman ako sa paghihila ng kariton at tinignan ito ng malungkot.
"Bakit po? Ano bang nangyari?" Puno ng sensiredad na tanong ko sa kanya.
"Wala Ineng, ang saakin lang wag kang tumulad saakin. Ayaw kong magsisisi ka sa huli. Bata kapa." Haplos nito sa mahaba kong buhok. Magsisisi ba ako kung pipiliin ko ang kalangitan kaysa lalaking yon? Di naman ako mahal ni Kapre, pero sabi niya kaibigan lang ang turing niya saakin. Ang pinapakita niya kasi saakin ay kakaiba. Pero nag-assume parin ako. Magugulat nalang talaga ako kapag magsasabi iyon ng nararamdaman. Kaibigan lang kasi ang turing niya saakin kaya haggang doon lang ang paniniwala ko.
YOU ARE READING
Series3# OUR WORLD (COMPLETED)
RomanceThe worlds of men and women are different. Loved each other, but who is heavier? The man's world or his world. Sometimes we come to a point where we have to decide what is best for many people, that's why this story is the love of two people who use...