CHAPTER 39

46 1 0
                                    

STORMAY LYN POV
🕑

In the middle of the night I was walking on the road. Ngayon ang oras ng uwian namin sa trabaho. Ito naglalakad mag-isa sa daanan. Di ko narin nakita ang abnormal kong boss ng umuwi ako, baka nagising na sa kabaliwan nito.

Assistant ako ng isang lalaking  takas mental. God! Ang malas naman yata ng buhay ko. Nakilala ko ang lalaking pinagkamalan ako na girlfriend.
So pathetic!

Sa malakas na simoy ng hangin ay nakaramdam ako ng kaginhawaan saaking sarili. Ito ang unang pagkakataon na naglakad ako na gabi. Ito rin ang unang pagkakataon ko na wala ako naging kasama. Nong nasa Isabela paako ay hatid sundo ako ni papa kaya nga di ko naranasan ang pumunta sa bar o makipagkasiyahan sa mga kaklase ko, but now look at me I'm free.

Saaking paglalakad ay di sinadya napalundag ako sa sobrang gulat. Inis akong bumaling ng tingin sa isang itim na kotse. Ano ba problema ng driver na'to? FYI di ako nakaharang sa daanan.

Mas lalo akong nainis ng bumisina na naman ang kanyang sasakyan kaya inis ko iyon nilapitan. Nakakaabala siya sa mga taong naglalakad. Tumikhim mona ako bago kumatok sa tinted na window. Mukhang  mayaman yata ang may-ari.

Tatlong katok ang ginawa ko bago binuksan ang pintoan. Sobra nalang ang pagkagulat ko ng nakita ko na naman ang lalaking nasaisip ko kanina.

"Get in," maawtoridad na utos nito. Nakatulala naman akong napayuko sa sinilipan ko at pilit inaaninag ang itsura nito kung totoo ba ang nakikita ko.

"I said get in," bakas ng pagka-iritasyon sa boses nito. Bumalik agad ako sa ulirat ng inis itong lumabas sa kanyang kotse.

"Are you deaf? Or sadyang malakas lang talaga ang charm ko?" Napangiwi  naman ako sa sinabi nito. Charm? Di nga.

"I'm sorry, pero di ako sumasakay sa taong di ko kilala," pag-atras ko. Aktong tatalikod na sana ng magsalita ito na may pagbabanta.

"Get in or I will carry you?" Bakit kailangan ko siya sundin? Di naman siya ang papa ko para sundin ang inuutos nito saakin. Ngayon ngalang ako naglakad mag-isa pinagdadamutan paako. Papa naman e, kahit ngayon lang pagbigyan mo naman akong maglakad.

"I count of three, kapag hindi, sorry gagawin ko talaga." Nagsimula akong tumalikod ng nagsimula narin itong magbilang.

"One. . . Two. . ." Napapikit naman ako ng maramdaman ko ang pagsunod nito sa likuran ko. Inis akong humarap sa kanya bago napa krus arm.

"Fine." Ngumisi naman ito bago ako hinila na may pag-iingat. Binuksan niya ang pinto at itinukod pa ang kamay nito sa uluhan ko upang di mabagok ang ulo ko. Aaminin kong gentleman.

"Takot ka pala e," napairap naman ako at inayos ang aking seat belt. Lumipat naman si boss sa driver seat haggang sa pumasok.

"Saan?" Tanong niya agad.

"Sa FUERTE HOTEL," sagot ko. Gulat niya naman akong tinignan kaya napakunot noo naman ako.

"Staying that hotel?"

"No, kasama ko ang kaibigan ko si Cass. Pero mag-isa mona ako ngayon," bakit kailangan kong ipaliwanag sa kanya? Baliw na talaga ako.

"It's dangerous," mas mapanganib ka, wala nga akong tiwala sayo e.

"Ayos lang," sagot ko. Ilang minuto rin ay hindi ito nagsalita kaya ilang ulit ako napabuntong hininga. Nagsimula narin niyang pinaandar ang makina ng sasakyan bago ko naramdaman ang pagtakbo.

Series3# OUR WORLD (COMPLETED)Where stories live. Discover now