CHAPTER 34

20 1 0
                                    

STORMAY LYN POV
🕘

Isang buwan ang lumipas. . .

"Anak kumain kana, wala kapang kain simula kagabi," paglalambing sa boses ni mama. Nakatulala ako ngayon sa kisame ng aking kwarto. Ewan ko nawalan ako ng gana sa lahat. Tapos dagdag pa ako kay mama sa alahanin.

"Anak, wag naman ganito. Ayaw ng papa mo na maging ganito ka," puno ng pagsusumamo sa boses nito pinatakan ako ng halik saaking noo.

"Ikaw nalang ang natira saakin anak, wag mo naman hayaan ikaw rin ay mawala saakin. Alam ko gaano kasakit, pero kailangan natin ituloy ang laban. Tayo nalang dalawa ang natira ayaw kong ikaw rin ay mawala saakin." Napalingon naman ako kay mama na umiiyak sa harapan ko.

Isang buwan na mula ng ilibing namin si papa. Di ko pa kasi matanggap e. Tuwing gigising ako ng maaga ay si papa lagi ang una kong hahanapin. Iniisip kong nandito lang siya sa tabi namin kahit di ko  naman siya makikita.

"Ma, nagiging pabaya ba ako?" Tanong ko sa kanya habang walang humpay ang masagana kong luha. Feeling ko kasi ay ako ang dahilan kung bakit nawala si papa. Sa boung araw niyang pagtratrabaho, pagod at hirap na hirap tapos ang maisusukli kolang sa kanya ang pagtakas sa bahay.

Masama ba akong anak?

"Ma, masama ba akong anak?" Tanong ko. Umiling naman ito na pinunasan ang luhang tumulo saaking pisnge.

"Hindi anak, handog ka saamin ng diyos. Ang papa mo ay labis kang pinagmamalaki." Hinalikan ni'ya ang tuktuk ng aking ulo at ginawaran ako ng yakap.

"Handog ka saamin ng papa mo Stormay Lyn Diaz. Ang anak namin maganda at mabait. Hindi ka pabaya." Pag-aalo nito ng nagsimula na naman akong umiyak ng husto sa balikat nito.

Kaya pala laging inuubo si papa dahil sintomas na pala ito sa kanyang sakit. Namatay si papa na hirap sa paghinga. Pinaexamine pa kasi namin siya bago pinapunta sa morge. Matagal na palang dala ni papa ang haika. Di niya lang sinasabi saamin. Nadagdagan pa nagkasakit ito. Hindi na kinaya sa paghinga kaya lumisan siya at iniwan kami.

"Haharapin natin to anak. Sasamahan tayo ng papa mo. Nandito lang siya binabantayan tayo," tumango tango naman ako sa balikat nito at humiwalay. Tinignan ang kabubuan ng katawan ni mama at tila nangangayat ito.

"Ma, pumayat ka?!" Puno ng pag-alala sa boses ko. Simula kasi ng ilibing si papa ay lagi naako nagkukulong sa kwarto, dinadalhan lang ako ni mama ng pagkain. Napakasama ko talagang anak. Hinayaan ko pa talaga ang mama ko na alagaan ako. Nagkaroon kasi ako ng depression aa nakalipas na araw kaya todo bantay saakin si mama baka kasi magpakamatay na naman daw ako.

"Ayos lang ako anak, maayos si mama. Magiging okay rin ang lahat." Niyakap ko si mama. At ngayong araw na ito ay ipapangako ko sa sarili ko aahon ako sa pagkakalugmok. Magsisimula kami ulit ng bagong buhay.

"Aahon ako ma." Sambit ko.

Ganyan naman lahat ng tao. Mawawalan ka ng pag-asa pero aahon ka para sa natitirang minamahal mo sa buhay. Aahon ako dahil kailangan, si mama nalang ang natitira sa  pamilya ko ngayon. Aahon ako dahil para saamin dalawa. Walang saysay ang buhay ko kung hindi ko kaya ang pagsubok na ito. Paghihirap ko ay titiisin ko bago mararamdaman ulit ang saya ng binigay saakin noon ng diyos. Saya na kasama ang dalawang tao mahal na mahal ko.

Series3# OUR WORLD (COMPLETED)Where stories live. Discover now