When the finals came, naging busy kami ng malala. I still work pero minsan, nag-u-under time ako para makapag-aral pa pag-uwi. Ilang araw na akong walang tulog at gano'n din si Lei.
"Pagkatapos nito, pa-party talaga ako." maiiyak ng sabi ko.
Kakauwi ko lang galing sa bar at ramdam ko na talaga 'yung pagod. 'Yung under eye ko, medyo nangingitim na kaya todo takip ako nito gamit 'yung concealer ko. Pumapasok ako ng wala na gaanong make up, tanging 'yung panakip lang sa dark spots ko 'yung inilalagay ko then lip gloss for my lips.
"Coffee?" he asked at iiling na sana ako ng magsalita siyang muli. "O-order lang ako so don't worry."
Alam niya talagang tatanggi ako kung siya pa ang magtutimpla ng kape namin. Ayaw ko na kasing dumagdag pa sa pagtitimpla ng kape niya kaysa deretso aral siya after timplahan ng kape ang sarili. Buti at o-order nalang siya, ang kaso nga lang ay mahal talaga.
"Black ha..."
I am fine with any coffee pero kapag ganito na ang daming aaralin at kailangan kong magpuyat, hindi talaga ako magwi-with creamer dahil makakatulog lang ako.
"You can sleep muna, Lei." sabi ko dito.
I remeber that he told me na nag-aral siya pagkauwi niya kanina. For sure na nag-aral siya simula pagkauwi hanggang sa magtext ako sa kaniya para magpasundo. Ngayon naman, sinasabayan niya pa akong mag-aral.
"I'm fine..."
"Kanina ka pa nag-aaral ah?"
"Nirereview ko ulit 'yung mga inaral ko na kanina." So tapos na nga siya mag-aral.
"Ewan ko pa kung magkamali ka niyan." I joked.
"Mistakes are part of being a student, baby."
"Seryoso naman nito."
Napaka clingy ni Lei kahit pa nag-aaral kami. Habang nakatutok ang mata niya sa libro niya, ang kamay niya ay nasa hita ko, bahagyang hinihimas iyon.
"T*ng ina..." mura ko kaya kinunotan ako nito ng noo. "Inaantok na ako."
"The sleep."
"Grabe naman, Lei. Gusto mo bang bumagsak ako?"
"E sabi mo inaantok ka, e 'di sleep." Mananakit ang ulo ko sa lalaking ito.
Pagkatapos ng ilang araw kong walang tulog, sa wakas, natapos na rin ang paghihirap ko bilang isang psych student.
"Do eat in a restau before sleeping?" tanong niya kaya nakatayo sa harap ko.
Nakahiga ako ngayon sa couch at ang sarap ihilata ng likod ko. Tumango ako kay Lei kaysa ang paglutuin pa siya dito sa condo. Mukhang balak niya din talaga kumain sa labas after ng finals. Gagraduate na kami! Hala, hindi mo sure, Elly.
"That's great. Nag-aaya kasi sina Chia at Kiara na kumain sa labas." Napangiti ako kaagad do'n. I will meet his sisters again. "I think you are their favorite, hindi na ako."
Kahit na pagod galing university, naligo na ako para magdinner. I just wore a comfortable hoody and swetpants. Nagslides lang din ako at itinali gamit ang clamp ang buhok ko. I did apply any make ups in my face dahil wala na akong energy para doon.
"Let's go na?" tanong niya kaya tumango ako.
Ang tamlay talaga ng buhay ngayon. Parang inubos ang lakas ko ng isang linggo. Finals tapos may dalawang trabaho pa ako pagkatapos. Literal na pagkauwi galing work, aral kaagad. Wala na akong naging pahinga. Salamat nalang sa ilang minuto na tulog, minsan nga, wala pa.
"Kawawa naman ang sister ko..." Hindi ko alam kung nagbibiro ba si Kiara o talagang halata sa mukha at katawan ko na pagod ako.
"Omg, Ate. Pinapakain ka pa ba ni Kuya?" Pumayat pala ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/368538830-288-k446081.jpg)
YOU ARE READING
Wild Series #1: 69
RomanceAvidas Leivi Yu is a Law student from ADMU. He is a member of a frat that spoil them with the exam and recitation. They also called him "sugar daddy ng lahat" because he is the one who always pay. At first, he do not like to attend family gatherings...