CHAPTER 21

45 1 0
                                    

THIRD PERSON POV

Inabutan ng isang baso ng malamig na tubig ni Danica ang kaibigang si Princess. Kanina pa ito iyak nang iyak sa police station sa kanilang bayan at ngayon lamang kumalma ng kaunti.

Naroon sa loob ng malawak na dining room ng pamilya De Angeles ang magkakaibigang Danica, Gabbie, Janine, Margaret, Nicolai, at Princess nang mga oras na iyon. Dumiretso sila sa mansyon ng pamilya ni Danica pagkagaling sa police station para pag-usapan ang tungkol sa pag-surrender ng kaibigan nilang si Katie ng sarili nito sa mga pulis bilang salarin sa nangyaring pagpanaw ni Nelson Domilla, ang asawa ni Princess Santa Miranda-Domilla.

Kitang-kita ni Danica kung paanong humagulgol ang kanyang kaibigang si Princess sa loob ng police station nang malaman nitong ang sariling kaibigan pa ang hindi sinasadyang makapaslang sa mister nito.

Dahil sa sobrang sama ng loob na nararamdaman ni Princess ay hindi nito kinaya ang silipin man lamang ang kaibigang si Katie sa loob ng selda nito. Hinayaan nito ang mga kaibigan na silipin si Katie sa loob ng bilangguan para pagaanin ang loob ng kanilang kaibigan.

Alam ni Danica at ng kanyang mga kaibigan na ang kaibigan nilang si Janine na ang bahala sa paghahanap ng magaling na abogado para kay Katie. May tiwala naman sila rito lalo pa nga at tutulong ang mga magulang ni Janine sa paghahanap ng abogadong magpapabilis ng kaso ni Katie.

Nang kumalma na si Princess mula sa mahabang pag-iyak ay umupo na si Danica sa kabisera ng mahabang hapag-kainan sa loob ng dining room para simulan ang pag-uusap nilang magkakaibigan tungkol sa gagawin sa kaso ng kaibigan nilang si Katie.

Ngunit bago pa man makapagsalita si Danica ay naunahan na siyang magsalita ni Princess.

Princess: P-paanong nasagasaan ni Katie si Nelson? I mean, w-wala naman siyang sasakyan, hindi ba?

Mababakas sa mukha ni Princess ang kalituhan habang palipat-lipat ang tingin nito sa mga kaibigang naroon.

Ngayong tapos na sa pag-iyak si Princess ay nakapag-iisip na ito ng rasyonal. Bigla niyang naalala na wala nga palang sariling sasakyan ang kaibigang si Katie kaya naman nagsisimula na itong magtaka kung papaanong nasagasaan ng kaibigan nito ang namayapa nitong mister na si Nelson.

Si Janine ang sumagot sa tanong na iyon ni Princess. Tumikhim muna ito bago nagsalita.

Janine: Apparently, hiniram pala ni Katie ang sasakyan ni Marco para pumunta sa kakahuyan that night.

Nakatingin ng diretso sa mga mata ni Princess si Janine nang ito ay magsalita ngunit kasabay din niyon ay ang ilang beses na pagtikwas ng mga daliri sa kanang kamay nito habang sinasabi kay Princess ang kasinungalingang binuo nito para lamang hindi madamay ang mister nitong si Marco kung sakaling buksan muli ang imbestigasyon sa pagkawala ni Nelson Domilla.

Nang marinig ang sinabing iyon ni Janine ay agad na kumunot ang noo nina Nicolai at Princess.

Si Nicolai ay agad na nagsalita.

Nicolai: That's weird. I was with Katie at the bar that night. Kasama namin si Nelson. She was actually drinking a lot. Hindi ganoon karami pero I don't think na kakayanin niya pang mag-drive.

Hindi nilingon ni Janine si Nicolai at nagkibit-balikat bago inabot ang baso ng iced tea sa harapan nito.

Janine: Yes, Katie told the police that she went to the woods after she left the bar.

Humalukipkip si Gabbie habang matamang nag-iisip.

Gabbie: Kailan pa nagkainteres si Katie na pumunta sa kakahuyan? All I know is she likes foods, especially her comfort foods. And, of course, the wine.

The Promise BraceletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon