THIRD PERSON POV
De Angeles Mansion Study Room…
Gabbie: Marge, I know you love your brother. And not just as a brother, but as a man.
Gulat na napatingin si Margaret kay Gabbie.
Margaret: What are you…
Gabbie: Come on, Margaret. I can see it in your eyes. I know the feeling because I'm also in love with an older guy. I'm in love with…Nate. But…he loves someone else.
Nagulat si Margaret sa sinabi ni Gabbie. Ang alam nilang magkakaibigan ay crush lamang ni Gabbie ang kuya ni Danica. Napansin ni Margaret ang pangingilid ng luha ni Gabbie.
Gabbie: I'm sorry. I have to pee.
Naiwan si Margaret sa study room na tahimik na lumuluha. Hindi matanggap na boyfriend na ni Sharmaine ang kanyang stepbrother.
----------
Winterville High Library…
Danica: You've done the deal, babe. I can't believe you did it. Napasagot mo ang Little Miss Perfect. Bravo! Hindi ko akalain na magagawa mo. Para sa kapatid mo ay ginawa mo ang isang bagay na alam mong makasasakit sa taong mahal mo. Come here, babe. Get your price. Hindi ko naman nakalimutan ang napag-usapan natin. Pero kailangan mo pa ring tapusin ang plano bukas. Okay?
Lumapit ang lalaking kausap ni Danica sa kanya. Unti-unting hinubad ni Danica ang kanyang jacket. Kumapit siya sa batok ng lalaki at hinalikan ito.
Danica: Mmm… Sa iyo ako ngayon, babe. Alagaan mo ang puso ko.
At muling hinalikan ni Danica ang lalaki.
----------
De Angeles Mansion Powder Room…
Gabbie: Argh! Nakakainis! Bakit ba ako naiiyak? Dapat ngayon ay tanggap ko ng iba ang mahal ni Nate at hindi ako 'yon. Kainis talaga!
Iginala ni Gabbie ang paningin sa buong paligid ng powder room. Parang CR sa mall ang banyo na ito ng pamilya ni Danica. Sadyang ginawa para sa mga guest. Tatlo ang cubicle nito ngunit sarado ang isa. May naririnig siyang nag-uusap. Boses ng lalaki at babae.
Lalaki: Ginawa ko na ang gusto mo. Siguro naman ay pagbibigyan mo na ako.
Babae: Oo. Alam ko. Hindi mo na kailangan pang ipaalala sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa iyo. Kung hindi rahil sa iyo ay hindi siguro matatanggap sa College ang kapatid ko. Kailangan niya ang academic scholarship na 'yon.
Lalaki: Hindi mo alam kung ilang tao ang kinasangkot ko para lang walang maging butas ang plano natin. Ginawa ko ang lahat para sa pagmamahal ko sa iyo.
Babae: Alam ko, babe. Alam ko…
Ilang minuto pang nakinig sa labas ng nakasaradong cubicle si Gabbie hanggang sa marinig niya ang isang bagay na ikinagulat niya. Napabulong siya sa sarili.
Gabbie: Oh my gosh! No. Hindi pwede 'to. Napakalaking eskandalo nito kapag nagkataon. Pero kailangang malaman ito ni Princess. Kailangang makausap ko siya.
BINABASA MO ANG
The Promise Bracelet
General FictionA tragic story full of lies, secrets, cheating, and betrayal. Walong magkakaibigan na sabay-sabay nangako sa bawat isa na mananatili ang pagkakaibigan magpakailanman. Ngunit ano ang mangyayari kung pag-ibig para sa taong minamahal ang nakasalalay pa...