THIRD PERSON POV
Isang mukha ng babae ang makikitang ipinipinta ni Nicolai sa canvas na nasa harapan niya. Nakangiti siyang pinagmamasdan ang itinuturing niyang isang obra maestra. Ang ningning sa mga mata ng babae, ang tungki ng ilong nito na mukhang kaysarap pisilin, ang mapupulang mga labi na mukhang kaysarap halikan, ang natural na pula ng mga pisngi nito, at ang itim na buhok, lahat ng iyon ay kabisadong-kabisado ni Nicolai sa kanyang isipan.
Naputol ang concentration ni Nicolai nang may kumatok sa kanyang art room. Sumungaw si Princess sa may pinto. Parang nakakita ng anghel si Nicolai at nagliwanag ang mukha pagkakita kay Princess.
Princess: Busy?
Tumawa si Nicolai at umiling. Tumayo mula sa kinauupuan at sinalubong si Princess na tuluyan nang pumasok sa loob ng art room.
Nicolai: Ang aga mo yata. Hindi ba mamaya pa tayo pupunta kina Janine?
Nagkibit-balikat si Princess.
Princess: Well, gusto ko lang makasama ang best friend ko ng mas matagal. Ano ba 'yang ginagawa mo?
Napatingin si Princess sa likod ng canvas. Curious ito kung ano ang ipinipinta ng matalik na kaibigan.
Nicolai: Malalaman mo rin sa tamang panahon. You know the drill. Hindi ninyo pwedeng silipin ang iginuguhit ko.
Nakangiting umiling si Princess. Napatingin naman si Nicolai sa kanang bisig ng kaibigan. May napansin siya roon.
Nicolai: Hindi mo suot ang promise bracelet?
Nagulat si Princess sa tanong ni Nicolai at napatingin sa kanang bisig nito.
Princess: Oh. Alam mo naman ang inaanak mo, gustung-gusto ang bracelet na 'yon. Hayun. Pinaglaruan at hindi ko makita nang hanapin ko sa bahay kanina.
Napatango si Nicolai at maya-maya ay kinumusta ang asawa ni Princess.
Nicolai: Kumusta si Nelson? Okay ba siya sa trabaho niya kay Marco?
Biglang naging malikot ang mga mata ni Princess.
Princess: Ah, uhm, ti-tingin ko naman ay-ay okay siya bi-bilang driver ni Marco.
Tumango-tango si Nicolai.
Nicolai: I see. Noong una kasi ay parang hindi comfortable ang asawa mong maging driver ni Marco. Parang he knows something about Marco na hindi natin alam.
Hindi pa rin makatingin ng diretso si Princess kay Nicolai.
Princess: Ahm, wa-wala naman akong na-napapansin.
Ngumiti si Nicolai kahit parang nararamdaman niyang hindi nagsasabi ng totoo ang kaibigan. Iniba niya ang usapan.
Nicolai: Okay. Anyway, maiba ako, hindi mo ba isasama sina Nelson at Kiara sa get-together party natin kina Janine at Marco. For sure matutuwa si Kiara na makita ang iba pang mga ninang niya.
Pilit na ngumiti si Princess.
Princess: Namasyal silang mag-ama. Alam mo naman, minsan na lang makasama ni Kiara ang Papa niya rahil madalas kasama ni Nelson si Marco.
Tumatango-tango si Nicolai.
Nicolai: Oh, I see. Bibisitahin ko na lang ang inaanak ko next time.
Ngumiti si Princess. Muling bumalik ang sigla sa mukha.
Princess: Well, I guess mas maganda siguro kung aalis na tayo ngayon. Kilala mo naman ang mga kaibigan natin, palaging on time.
Tumawa si Nicolai at sumang-ayon kay Princess.
BINABASA MO ANG
The Promise Bracelet
General FictionA tragic story full of lies, secrets, cheating, and betrayal. Walong magkakaibigan na sabay-sabay nangako sa bawat isa na mananatili ang pagkakaibigan magpakailanman. Ngunit ano ang mangyayari kung pag-ibig para sa taong minamahal ang nakasalalay pa...