THIRD PERSON POV
*Past*
Nakangiting isa-isang pinagmasdan ni Danica ang kanyang pitong kaibigan na tahimik na naghihintay ng kanyang sasabihin.
Pinapunta ni Danica sa kanilang mansyon ang kanyang mga kaibigan para humingi ng pasensya sa kanyang inasal noong Junior-Senior Prom nila.
Ang pitong kaibigan ni Danica na pinili niya base sa iba't ibang kadahilanan.
Isa sa mga dahilang iyon ay ang ama ni Danica.
Pumanaw ang ina ni Danica sa panganganak sa kanya kaya naman lumaki si Danica na hindi naramdaman ang pagmamahal ng isang ina.
Pagmamahal ng isang ina na rapat ang ama ni Danica ang magpupunan ngunit hindi ganoon ang nangyari.
Mula sa pagkabata ay ipinaramdam na kay Danica ng kanyang ama na hindi siya gusto nito.
Ipinaramdam ng ama ni Danica sa kanya na paborito at mahal na mahal nito ang kanyang kuyang si Nate, samantalang siya ay laging pinapagalitan nito kahit lamang sa mga maliit na pagkakamali.
Kahit kailan ay hindi pinaboran si Danica ng kanyang ama, lalo pa nga at hindi siya nakapag-uuwi ng parangal mula sa paaralan.
Hindi katulad ng kapatid ni Danica na si Nate na consistent honor student na mas lalong nagpalayo kay Danica ng loob ng ama.
Mabuti na lamang na kahit ganoon ay lumaki pa ring maayos ang magkapatid na Danica at Nate. Hindi sila close ngunit hindi rin naman magkaaway.
Pakiramdam ni Danica ay siya ang sinisisi ng kanyang ama sa pagkamatay ng kanyang ina.
Lumaki si Danica na may hinanakit sa kanyang ama. Ang pagmamahal ng isang magulang na sana ay nararanasan niya mula sa kanyang ama ay hindi niya nakamtan mula rito.
At dahil hindi nararamdaman ni Danica ang love and belongingness mula sa sariling bahay kaya hinanap niya ang pagmamahal at pagtanggap na iyon mula sa mga tao sa paaralang kanyang pinapasukan.
At dahil anak si Danica ng isa sa mga influential people sa kanilang bayan ay naging madali para sa kanya na maging kaibigan ang mga taong gusto niyang isali sa kanyang circle of friends.
Pero rahil sa hindi magandang karanasan ni Danica mula sa kanyang ama kaya kinailangan niyang maghanap ng mga kaibigan na magpapataas ng tingin niya sa kanyang sarili.
Nasa ikatlong baitang na sa Elementarya si Danica nang makilala ang mga kaibigang sina Sharmaine, Gabbie, Janine, Margaret, Nicolai, at Princess.
Si Sharmaine ay naging kaibigan ni Danica rahil matalino ito at magiging malaking tulong ito para sa pag-aaral ni Danica.
Si Gabbie ay naging parte ng circle of friends ni Danica rahil napapansin niyang may lihim na pagtingin ito sa kanyang Kuya Nate at sigurado siyang susunod ito sa lahat ng kanyang iniuutos para lamang mapalapit sa kanyang kapatid.
Si Janine ay kinaibigan ni Danica rahil mayaman din ang pamilya nito katulad ng kanilang pamilya at kailangan niya ng isang miyembro sa kanyang circle of friends na mula sa kilalang pamilya para hindi isipin ng mga tao na may hidden agenda siya.
Si Margaret ay nakasama sa circle of friends ni Danica rahil sa stepbrother nitong si James na lihim na hinahangaan ni Danica.
Medyo nag-alangan lang si Danica na isama si Margaret sa kanyang circle of friends dahil mayaman din ang pamilya nito at hanggang maaari ay gustong ibalanse ni Danica ang grupo.
BINABASA MO ANG
The Promise Bracelet
General FictionA tragic story full of lies, secrets, cheating, and betrayal. Walong magkakaibigan na sabay-sabay nangako sa bawat isa na mananatili ang pagkakaibigan magpakailanman. Ngunit ano ang mangyayari kung pag-ibig para sa taong minamahal ang nakasalalay pa...