THIRD PERSON POV
*Past*
Muling napataas ang kilay ni Janine nang marinig na tumunog sa ikaapat na pagkakataon ang cellphone ng kanyang kasintahang si Marco. Katulad kanina ay c-in-ancel na naman ni Marco ang tawag.
Ilang beses nang nangyayari ito nitong mga nakalipas na araw. May taong tatawag nang ilang beses kay Marco at hindi naman ito sasagutin ng kasintahan ni Janine.
Isang linggo na ang nakalipas mula nang sagutin ni Janine ang panliligaw ni Marco. Halos tatlong buwan din ang itinagal ng panliligaw ni Marco kay Janine bago nito napasagot ng oo ang babae.
Alam ni Janine na babaero si Marco. Lagi niyang nababalitaan at pati ng kanyang mga kaibigan ang ilang beses na pagpapalit-palit ng girlfriends ni Marco.
Ilang beses na ring may nakakahuli kay Marco na may kahalikang mga babae sa iba't ibang lugar sa loob ng school campus.
Lapitin talaga ng mga kababaihan si Marco rahil sa taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. Idagdag pa na magaling ito sa basketball at swimming.
Malaking bulas si Marco kaya minsan ay napagkakamalan itong College student gayong High School student pa lamang ito. Ilang kolehiyala na rin ang nakarelasyon nito rahil sa mga matatamis nitong mga salita.
Tanging si Janine Bolivar lamang ang hindi agad nahulog sa mga pambobola ng isang Marco Dela Acuesta.
Hindi si Marco ang tipo ni Janine na maging boyfriend dahil alam niyang oras na sagutin niya ito ay siguradong mambababae lamang ito.
Pero tanging si Marco lamang ang nagkalakas ng loob na ligawan si Janine.
Matalino si Janine, maganda at galing sa kilalang pamilya sa kanilang nayon. Ngunit walang ibang nagtatangkang manligaw sa kanya rahil sa kanyang malakas na personalidad.
Kayang-kayang dalhin ni Janine ang sarili sa kahit anong sitwasyon. Lagi siyang may solusyon sa bawat problema.
Magaling din mag-observe si Janine. Marunong bumasa ng mga tao at nararamdaman niya kung ang isang tao ay nagsisinungaling sa kanya.
Kaya naman maraming tao ang umiilag kay Janine dahil sa kanyang mga taglay na katangian.
Ngunit hindi ang mga kaibigan ni Janine na sina Sharmaine, Danica, Gabbie, Katie, Margaret, Nicolai, at Princess. Sanay na ang mga ito sa kanyang ugali.
Kaya naman naaliw si Janine nang ligawan siya ni Marco. Humanga siya sa katapangan nito.
Ngunit bago sinagot ni Janine si Marco ay pinaimbestigahan muna niya si Marco sa private investigator ng kanyang mga magulang.
Napag-alaman ni Janine na salat sa buhay ang pamilya ni Marco. Na kaya ito nakakapag-aral sa Winterville High ay dahil isa ito sa mga beneficiary ng scholarship foundation na itinatag ng ama ng kanyang kaibigang si Danica.
Napag-alaman din ni Janine na may Stage 4 Cancer ang ina ni Marco at nangangailangan ng treatment para tumagal pa ang buhay.
Ipinagtaka ni Janine kung bakit umaastang mayaman si Marco sa loob ng school campus kung hikahos naman pala sa buhay ang pamilya nito.
Nagtataka rin si Janine kung paanong nagkaroon ng magarang kotse si Marco na ginagamit nito sa pagpasok sa school.
Madalas ding mamahalin ang mga ibinibigay na regalo ni Marco kay Janine sa tuwing nanliligaw ito sa malaking bahay ng babae.

BINABASA MO ANG
The Promise Bracelet
Mystery / ThrillerA tragic story full of lies, secrets, cheating, and betrayal. Walong magkakaibigan na sabay-sabay nangako sa bawat isa na mananatili ang pagkakaibigan magpakailanman. Ngunit ano ang mangyayari kung pag-ibig para sa taong minamahal ang nakasalalay pa...