THIRD PERSON POV
Lalapitan sana ni Danica ang katawan ni Sharmaine na nakahandusay sa sahig ng De Angeles study room ngunit pinigilan siya ni Janine na makalapit dito.
Janine: Danica, ano ka ba? Nababaliw ka na ba? Hindi mo pwedeng hawakan ang bangkay ni Sharmaine. Mag-isip ka naman.
Nanlalaki ang mga mata ni Janine habang kinakausap si Danica.
Danica: P-pero, Jan. Nagdurugo si Sharmaine. Kailangan siyang madala sa hospital.
Umiling si Margaret.
Margaret: Pa-patay na siya.
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Princess at humagulgol na si Katie. Parang maghi-hysterical naman si Danica.
Danica: No! Hindi pwede! Hindi! Anong nangyari, Margaret?! Ano?!
Hinawakan ni Danica ang magkabilang braso ni Margaret at niyugyog ito. Patuloy ang pagluha nilang dalawa.
Margaret: Hi-hindi ko alam, Danica. Pag-pagkabalik ko galing sa labas ng mansion ay tumuloy ako rito…at na-nadatnan ko na ang ba-bangkay…ni Sharmaine di-dito sa study room.
Tuluy-tuloy lang sa pagluha sina Margaret, Katie, at Danica. Tahimik lamang si Gabbie at nananatiling nakamasid. Magkayakap naman sina Princess at Nicolai. Pilit na inaalo ni Nicolai si Princess. Habang si Janine ay matamang nag-iisip.
Katie: Makukulong tayong lahat! Makukulong tayo! No!
Nagpa-panic si Katie kaya sinubukan itong pakalmahin ni Janine.
Janine: Walang makukulong, Katie. Maging kalmado tayong lahat. Okay? Danica?
Nilingon ni Janine ang nanlalamig at lumuluhang si Danica. Kalmadong-kalmado si Janine. Pero mahahalatang naroon ang takot sa kanyang mga mata.
Danica: Y-yes, Janine?
Bumuntung-hininga si Janine bago muling nagsalita.
Janine: Sa mansyon ninyo nangyari ang krimen. Alam natin ang ibig sabihin nito at sa nalalapit na eleksyon, hindi ba?
Matalim ang tingin ni Danica kay Janine. Marahas na umiling si Danica.
Danica: You can't do this, Janine! No!
Humarap si Janine sa kanilang lahat. Patalikod sa nakahandusay na katawan ni Sharmaine. Pinipilit pa ring maging kalmado.
Janine: Guys, this day never happened. This is all part of a nightmare. This is the time we have to prove the power of the promise bracelet.
Madiin na pahayag ni Janine. Napatingin silang lahat kay Janine.
Itinaas ni Janine ang kanang bisig at ipinakita ang promise bracelet na suot nito. Napatingin din sa kani-kanilang promise bracelets sina Danica, Gabbie, Katie, Margaret, Nicolai, at Princess.
Nagkatinginan ang magkakaibigan.
Maya-maya ay sabay-sabay silang tumango.
----------
Sa isang madilim na bahagi ng tulay sa bayang iyon ay nakaparada ang van ng pamilya ni Danica. Ang babae na rin ang nag-drive nito. Bago nila nilisang magkakaibigan ang De Angeles mansion ay sinilip muna ni Danica ang Kuya Nate niya sa kwarto nito. Tulog na tulog ang binata. Nang titigang maigi ni Danica ay mukhang pagod na pagod ang kanyang kapatid.
![](https://img.wattpad.com/cover/359054489-288-k318410.jpg)
BINABASA MO ANG
The Promise Bracelet
Mystery / ThrillerA tragic story full of lies, secrets, cheating, and betrayal. Walong magkakaibigan na sabay-sabay nangako sa bawat isa na mananatili ang pagkakaibigan magpakailanman. Ngunit ano ang mangyayari kung pag-ibig para sa taong minamahal ang nakasalalay pa...