THIRD PERSON POV
Malalim ang iniisip ni Danica habang nakasandal siya sa headboard ng kanyang kama. Kanina ay nakita nilang dalawa ni Dominic ang kanyang kapatid na si Nate sa lugar kung saan natagpuan ang wala ng buhay na katawan ni Nelson Domilla, ang namayapang mister ng kanyang kaibigang si Princess.
Ang sabihing nagulat si Danica pagkakita sa kanyang kapatid sa crime scene ay understatement. Nanlambot ang kanyang mga tuhod dahil sa kabang naramdaman pagkakita kay Nate sa lugar kung saan iniwan niya si Nelson ilang minuto bago ito nalagutan ng hininga.
Nang makita ni Danica na lumabas mula sa maliit na bar na iyon sa kanilang bayan si Nelson ay agad na sinabihan niya si Dominic para sundan ng kotse nito ang asawa ng kanyang kaibigan. Agad ding tinawagan ni Danica si Princess para ipaalam ditong ang tinatahak na daan ni Nelson ay patungong police station.
Nagtaka si Danica nang makitang papunta sa police station si Nelson nang gabing iyon. Inisip ni Danica na kung totoo ang sinabi ni Princess na ito ang pinagtaksilan ni Nelson, bakit si Nelson ang pupunta sa police station.
Ngunit mas tumindi ang pagtataka ni Danica nang biglang lumihis ng daan si Nelson at tahakin nito ang daan patungo sa kakahuyan sa kanilang bayan. Nagkatinginan pa sina Danica at Dominic dahil sa pagkalito kung bakit pupunta si Nelson sa kakahuyan nang mga oras na iyon.
Sa puntong iyon ng pagsunod ng kotse ni Dominic kay Nelson ay nalimutan na ni Danica na tawagan si Princess para ipaalam ditong hindi sa pulisya nagtuloy ang asawa nito. Matindi ang tensyong nararamdaman ni Danica nang mga sandaling iyon.
Nang malapit na sa bungad ng kakahuyan si Nelson ay bigla itong tumigil sa paglalakad. Hindi nito napansin ang kotseng nakasunod dito rahil sinabihan ni Danica si Dominic na hindi rapat mahalata ni Nelson na may sumusunod dito.
Nang makita ni Danica na tumayo si Nelson sa tabi ng bangin ay parang may bumayo sa kanyang dibdib dahil sa kaba. Biglang naisip ni Danica na baka magpatiwakal si Nelson dahil sa nangyayari rito at sa asawang si Princess lalo pa nga at lasing ito nang gabing iyon.
Agad na bumaba si Danica ng kotse nang ihinto ni Dominic ang sasakyan nito di-kalayuan mula sa kinatatayuan ni Nelson. Patakbong nilapitan ni Danica si Nelson.
Nakita ni Danica na kumunot ang noo ni Nelson pagkakita sa kanya sa lugar na iyon. Kalmado lamang si Nelson nang mga sandaling iyon at nakapamulsa pa sa tabi ng bangin. Kung tutuusin ay hindi ito mukhang nakainom ng nakalalasing na likido.
Sinubukang kausapin ni Danica si Nelson tungkol sa problemang kinakaharap nito at ng asawang si Princess ngunit nagalit lamang ang lalaki kay Danica at sinabihang iwan ito sa lugar na iyon. Sinabi pa ni Nelson kay Danica na may kikitain ito sa lugar na iyon kaya rapat na raw siyang umalis.
Nag-alangan pa si Danica na iwan si Nelson sa tabi ng bangin dahil may pakiramdam siyang hindi nito alam ang mga ginagawa nang mga oras na iyon. Sa isip ni Danica ay baka may gawin si Nelson na maaaring pagsisihan nito sa huli. Ngunit nagalit si Nelson nang makitang hindi siya agad umalis sa tabi nito kaya sa huli ay napilitan din si Danica na iwan ito at bumalik sa loob ng kotse ni Dominic.
Ilang minuto matapos lisanin nina Danica at Dominic ang lugar na iyon ay nabalitaan ni Danica na pumanaw na si Nelson. Ilang minutong humagulgol si Danica nang marinig ang masamang balita mula sa kaibigang si Princess.
Parang gustong sisihin ni Danica ang kanyang sarili sa pagpanaw ni Nelson dahil kung hindi niya siguro ito iniwan sa tabi ng bangin nang gabing iyon ay baka hindi nito sinapit ang isang malagim na pangyayari.
Nabalitaan ni Danica na hit-and-run car accident ang lumabas sa investigation report na dahilan ng pagkasawi ni Nelson. Dahil doon ay mas kinabahan si Danica rahil baka madamay silang dalawa ni Dominic kapag may nakaalam na naroon silang dalawa sa crime scene ilang minuto bago mawala si Nelson.
BINABASA MO ANG
The Promise Bracelet
General FictionA tragic story full of lies, secrets, cheating, and betrayal. Walong magkakaibigan na sabay-sabay nangako sa bawat isa na mananatili ang pagkakaibigan magpakailanman. Ngunit ano ang mangyayari kung pag-ibig para sa taong minamahal ang nakasalalay pa...