THIRD PERSON POV
*Past*
Gamit ang kanang hintuturo ay sunud-sunod ang ginawang pagsundot ni Katie sa kanyang lalamunan sa loob ng kanyang bibig para maisuka ang kanyang mga kinain nang mananghalian siya at mga kaibigan sa loob ng kanilang school canteen.
Namumula na ang buong mukha ni Katie habang tuluy-tuloy ang kanyang pagsuka sa toilet bowl sa loob ng isang cubicle sa women's restroom ng Winterville High. Namamasa na rin ang mga mata ni Katie at halos manlabo na ang kanyang paningin.
Hindi namalayan ni Katie na kasabay ng kanyang pagsusuka ay tumutulo na rin ang kanyang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi.
Muli na namang bumalik sa isipan ni Katie ang dahilan kung bakit niya ginagawa ang ganitong uri ng bagay sa tuwing natatapos siyang kumain ng napakaraming masasarap na pagkain.
Pitong taong gulang si Katie nang kanyang mahuli ang sariling ama na nakikipagtalik sa kanyang tita, ang bunsong kapatid ng kanyang ina, sa mismong kwarto ng kanyang mga magulang.
Sinabihan si Katie ng kanyang ama at ng kanyang tita na kung magsusumbong siya sa kanyang ina ay kanyang sisirain ang kanilang masayang pamilya.
Umiyak si Katie nang gabing iyon dahil naaawa siya sa kanyang ina ngunit ayaw naman niyang masira ang kanilang pamilya.
"Para sa aking masunurin at mabait na anak, Katarina, ito ang isang box ng chocolates. Lagi kang magpapakabait, Katarina, para lagi kang love ni Daddy."
Iyon ang laging ginagawa ng ama ni Katie sa tuwing itinitikom niya ang kanyang bibig at hindi isinusumbong sa kanyang ina ang bawal na relasyon ng kanyang ama at ng kanyang tita. Ang bigyan ng iba't ibang uri ng masasarap na pagkain si Katie at purihin ang anak bilang kanyang gantimpala sa pagiging isang masunuring bata.
At sa tuwing kakainin ni Katie ang mga masasarap na pagkaing ibinibigay ng kanyang ama ay gumagaan ang kanyang pakiramdam. Naaalis ng mga pagkaing iyon ang mga alalahanin sa kanyang isipan.
Ngunit isang araw ay bigla na lang nagwala ang ina ni Katie nang matuklasan ang ginagawang pagtataksil ng asawa nito. Lumuluha si Katie habang pinapanood ang pagpapalayas ng kanyang ina sa kanyang ama mula sa kanilang bahay.
"Pagsisisihan mo ito, Katarina! Tandaan mong ikaw ang sumira sa pagsasama ng iyong mga magulang! Sumbungera kang bata ka!"
Umiiyak na umiiling si Katie habang nakatingin sa kanyang papalayong ama. Alam ni Katie sa kanyang sarili na hindi siya ang nagsumbong sa kanyang ina.
Mula nang araw na iyon ay madalas nang pagbuhatan ng kamay si Katie ng kanyang ina rahil nga sa nalaman nitong alam niya ang ginagawang pagtataksil ng kanyang ama ngunit hindi siya nagsalita.
Madalas na ring tuksuhin si Katie ng kanyang ibang mga kamag-aral dahil sa kumalat na balitang hiwalay na ang kanyang mga magulang. Na siya raw ang dahilan kung bakit nalaman ng kanyang ina ang pangangaliwa ng kanyang ama.
"Katarina, sumbungera! Katarina, maninira ng pamilya! Katarina, sumbungera! Katarina, maninira ng pamilya!"
Iyon ang madalas na china-chant ng ibang kamag-aral ni Katie sa tuwing dumaraan siya sa corridor o kaya ay kumakain sa loob ng canteen.
Gabi-gabing umiiyak si Katie rahil sa hindi magandang pagtrato sa kanya ng kanyang ina at ibang kamag-aral.
Nasasaktan si Katie sa tuwing pinapagalitan siya ng kanyang ina rahil sa kanyang paglilihim na kaya lamang niya ginawa ay para manatiling buo ang kanilang pamilya.
BINABASA MO ANG
The Promise Bracelet
General FictionA tragic story full of lies, secrets, cheating, and betrayal. Walong magkakaibigan na sabay-sabay nangako sa bawat isa na mananatili ang pagkakaibigan magpakailanman. Ngunit ano ang mangyayari kung pag-ibig para sa taong minamahal ang nakasalalay pa...