THIRD PERSON POV
De Angeles Mansion Study Room…
Tuluy-tuloy pa rin ang pagluha ni Margaret.
Margaret: Bakit hindi mo ako hinintay? Bakit?! Bakit, James?! I hate you! I hate you, Sharmaine!
----------
De Angeles Mansion Backyard…
Princess: No! Hindi totoo 'yan!
Gabbie: Totoo ang lahat ng sinabi ko, Princess. They are being unfair to you.
Princess: No! Kailangan kong makausap ang Principal. O kaya ang may-ari ng school. I need to go.
Tumakbo palabas ng gate ng mga De Angeles si Princess. Wala siyang pakialam kung gabi na at delikado sa daan. Sa pag-aalala ay sinundan siya nina Gabbie at Nicolai.
Hindi nila alam na narinig ni Sharmaine ang lahat ng sinabi ni Gabbie. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata ni Sharmaine. Pinahid niya ang kanyang mga luha at nagbalik sa dining area. Nakasalubong niya si Janine na hawak ang phone niya.
Janine: Nakalimutan mo. Two messages received.
Nataranta si Sharmaine. Iniisip niya kung nabasa ba ni Janine ang message na natanggap niya kanina. Inabot niya ang kanyang cellphone mula kay Janine.
In-open at binasa ni Sharmaine ang unang unread message.
"I'll wait for you."
Sunod naman niyang binasa ang second unread message.
"You need to meet me. NOW. I NEED YOU!"
Bumalik ang tingin ni Sharmaine kay Janine ngunit nakaupo na ulit ito sa dining table. Kinabahan siya. Pero kailangan niyang kitain ang taong makasasagot sa mga tanong niya sa mga bagay na narinig niya mula kay Gabbie.
Sharmaine: Guys, I have to go.
Nagmamadaling lumabas ng mansion si Sharmaine. Hindi na niya hinintay pang makasagot sina Janine at ang lango na sa alak na si Katie.
Hindi na rin niya napansin ang mga matalim na matang nakatingin sa kanya nang siya ay lumabas ng main door.
----------
At one of the streets in Winterville City…
Nakasunod kay Princess sina Gabbie at Nicolai habang naglalakad ito ng mabilis.
Gabbie: Sigurado ka ba sa plano mong ito, Princess? Iskandalo ito kapag nagkataon. Hindi ko tuloy alam kung tama ba na sinabi ko sa 'yo. Binantaan ako ni Nate na huwag sasabihin ang narinig ko. Pero kaibigan kita. I don't want to be unfair to you.
Princess: Mali ang ginawa nila sa akin, Gabbie. Maling-mali! Alam mo 'yan!
Nanginginig sa galit si Princess. Kinakapa niya sa bulsa ang baong nebulizer. Humithit siya para pakalmahin ang sarili.
Mula sa di-kalayuan ay napansin ni Nicolai ang kotse ni Marco, ang kasintahan ni Janine. Nakabukas ang bintana ng passenger seat at nakita niya si Danica.
BINABASA MO ANG
The Promise Bracelet
Fiksi UmumA tragic story full of lies, secrets, cheating, and betrayal. Walong magkakaibigan na sabay-sabay nangako sa bawat isa na mananatili ang pagkakaibigan magpakailanman. Ngunit ano ang mangyayari kung pag-ibig para sa taong minamahal ang nakasalalay pa...