CHAPTER 24

78 2 0
                                        

THIRD PERSON POV

Napaangat ang tingin ni Danica sa kaibigan at hipag na si Gabbie nang pumasok ito sa loob ng dining room ng bahay nito at ng asawang si Nate. Nasa trabaho pa ang mister nito at nasa school naman ang anak nila na si Emmanuel habang silang anim na magkakaibigan ay nagpupulong sa loob ng bahay nito.

Danica: Thank you, Gabbie, at pumayag kang dito tayo magkita-kita sa bahay ninyo ni Kuya para pag-usapan ang tungkol kay Bridget Marfori.

Naikwento na niya sa mga kaibigang sina Gabbie, Margaret, Janine, Nicolai, at Princess ang hindi inaasahang pagkikita nilang dalawa ng babaeng kahawig ng dati nilang kaibigan na si Sharmaine.

Anumang pagdududa niya at ng kanyang mga kaibigan sa naunang salaysay ng kaibigan nilang si Margaret tungkol sa pagkakahawig ni Bridget kay Sharmaine ay tuluyan nang nawala nang si Danica na ang nagsabi ng kanyang personal na encounter kasama si Bridget.

Gabbie: As long as Nate and Emmanuel aren’t here habang pinag-uusapan ang Bridget Marfori na ito, then we’re good.

Isa-isang ibinaba ni Gabbie ang mga baso ng lemon juice sa tabi ng mga platitong naglalaman ng pancake sa harapan nilang magkakaibigan.

Nicolai: Ngayong dalawa na kayo ni Margaret na nagkwento tungkol sa Bridget na iyan, I guess I’m curious now. Gaano nga ba niya kahawig si Sharmaine?

Bahagyang natigilan si Danica nang muling marinig ang pangalan ng kaibigan na pilit niyang ibinabaon sa limot ngunit hindi pinapahintulutan ng pagkakataon.

Palagi siyang nakararamdam ng guilt at takot sa tuwing maririnig ang pangalang Sharmaine.

Gabbie: If you’re gonna ask me, hindi ko gustong makita ng personal ang babaeng iyan. Hindi ko gustong nakakakita ng anumang bagay o tao na magpapaalala sa akin nang gabing iyon.

Nilingon ni Danica ang kanyang hipag na naupo sa kanyang tabi matapos marinig iyon.

Pakiramdam niya ay may mas malalim pang dahilan ang kanyang kaibigan kung bakit hindi nito gustong maalala pa ang kaibigan nilang ilang taon nang wala dahil na rin sa kanilang kagagawan.

Janine: I wonder who that woman is. Margaret told us that she’s the newest investor of the Montellon’s winery business, pero hindi ba masyadong coincidence ang lahat ng ito?

Napakunot ang noo ni Danica sa sinabi ni Janine at wala sa loob na inabot ang baso ng lemon juice sa kanyang harapan at sumimsim doon.

Nabanggit na sa kanilang magkakaibigan ni Margaret na si Bridget Marfori ang bagong investor ng pagmamay-aring winery business ng stepbrother nitong si James Montellon. Ayon pa rito ay madalas na lumalabas ang dalawa para mag-dinner date.

Danica: W-what do you mean, Jan?

Nakita niyang nagkibit-balikat si Janine bago muling nagsalita.

Janine: I mean, kamukha siya ni Sharmaine na dating nakatira rito sa Santa Gianna. And now, investor siya ng business na pagmamay-ari ng ex-boyfriend ni Sharmaine bago ito mawala. Don’t you think it’s too much para sabihing nagkataon lang?

Nang tingnan ni Danica isa-isa ang kanyang ibang kaibigan matapos marinig ang sinabi ni Janine ay iba-ibang reaksyon ang nakita niya sa mukha ng mga ito.

Nakita niya ang takot sa mga mata ni Gabbie at napansin niya ang bahagyang panginginig ng mga daliri nito sa kanang kamay habang inaabot ang tinidor para sumubo ng pancake.

Nang ituon niya ang kanyang mga mata sa direksyon ni Nicolai ay nakatitig lamang ito kay Janine at tumango-tango. Wari ay naiintindihan nito ang gustong iparating ng kaibigan nilang si Janine.

The Promise BraceletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon