THIRD PERSON POV
Naka-blindfold ang dalagitang si Sharmaine papasok sa mansyon ng mga De Angeles habang inaalalayan ni Nicolai ang kanyang dalawang kamay.
Sharmaine: Saan mo ba ako dadalhin, Nico? Sabi mo ay magkikita-kita tayong magkakaibigan ngayon sa bahay nina Princess para sa kaarawan ko. 'Yon ang ipinaalam ko kina Mama at Papa kanina. Baka mag-alala ang mga iyon? At saka ang sakit na ng mga mata ko. Kanina pa ako naka-blindfold, Nico.
Nicolai: Huwag kang mainip, Sharms. Malapit na tayo.
Tuloy-tuloy lang ang pag-alalay ni Nicolai kay Sharmaine hanggang sa tanggalin na nito ang piring sa mga mata ni Sharmaine.
"SURPRISE!!!"
Nabigla si Sharmaine sa kanyang nakita. Nasa dining room siya ng mga De Angeles at nakapaligid sa isang mahabang table ang kanyang anim na kaibigan. Nasa tabi naman niya si Nicolai. Ang paligid ay napapalamutian ng mga makukulay na lobo at mga bulaklak. Punung-puno ang mahabang table ng pagkain. May mga cake, spaghetti, pancit, salad, maja blanca, biko at kung anu-ano pang mga masasarap na pagkain. May malaking banner pa na nakasabit sa dingding at may lettering na "Happy 17th Birthday, Sharmaine!".
Danica: Hey! Mukha kang nakakita ng multo riyan, Sharmaine. Hindi mo ba nagustuhan ang surpresa namin sa 'yo? Happy 17th birthday, my friend!
Nilapitan ni Danica ang namamanghang si Sharmaine at niyakap ito.
Danica: We granted one of your wishes on your wish list. Enjoy the night, Sharms!
Muling niyakap ng mahigpit ni Danica ang kaibigan saka niya iginiya si Sharmaine sa harap ng isang cake na umabot sa tatlong layer. Nanlalaki pa rin ang mata ni Sharmaine sa kanyang mga nakikita.
Margaret: Tatayo ka na lang ba riyan, Sharms? Blow your candles na. But not before you make a wish.
Ngumiti ng matamis si Margaret sa birthday celebrant.
Katie: Whatever, Margaret! Just let Sharms blow the candles, so we can eat na. Super gutom na ko!
Eksaheradong hinimas ni Katie ang flat nitong tiyan.
Princess: Come on, Sharms. Hipan mo na ang mga candles bago pa matunaw ang mga 'yan. Sige ka. Masisira ang cake mo.
Tinitigan ni Sharmaine ang dedication sa cake. "Happy 17th Birthday, Sharmaine - From your 7 besties", 'yan ang nakalagay na dedication sa chocolate cake na nakahain sa table.
Hindi pa rin makapaniwala si Sharmaine sa kanyang nakikita. Narito siya ngayon kasama ang kanyang pitong best friends sa mansyon ng mga De Angeles. Ipinagdiriwang ang kanyang ika-17 na kaarawan. Ngayon niya lang naranasan ang magkaroon ng engrandeng selebrasyon para sa kanyang kaarawan. Gusto niyang maiyak sa tuwa. Tiningnan niya isa-isa ang kanyang mga kaibigan. Malalaki ang ngiti sa labi ng mga ito. Ang pitong taong nakasama niya ng tatlong taon sa high school. Ang mga taong pinagkakatiwalaan niya ng kanyang buhay bukod sa kanyang pamilya.
Huminga siya ng malalim at pumikit bago humiling sa kanyang isip. Hiniling niya na sana ay mapahaba pa ang kanyang buhay para makasama pa niya ng matagal ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Iminulat niya ang kanyang mga mata at hinipan isa-isa ang labimpitong kandila na nasa kanyang harapan.
BINABASA MO ANG
The Promise Bracelet
General FictionA tragic story full of lies, secrets, cheating, and betrayal. Walong magkakaibigan na sabay-sabay nangako sa bawat isa na mananatili ang pagkakaibigan magpakailanman. Ngunit ano ang mangyayari kung pag-ibig para sa taong minamahal ang nakasalalay pa...