CHAPTER 17

115 2 0
                                        

THIRD PERSON POV

Paikot-ikot na naglalakad si Princess sa hardin sa labas ng kanilang bahay ni Nelson habang hinihintay na dumating si Marco.

Kanina pa kinakabahan si Princess dahil kaninang pag-uwi niya galing sa trabaho ay bigla na lamang siyang kinompronta ng kanyang asawang si Nelson tungkol sa burner phone na nakita nito sa loob ng isa sa drawer ng kanilang divider sa sala ng kanilang bahay.

Ipinipilit ni Nelson kay Princess na sa kanya ang burner phone na nakita nito at itinanong nito sa kanya kung sino ang nagmamay-ari ng nag-iisang numerong nasa call logs ng burner phone.

Tandang-tanda pa ni Princess kung paano niyang itinanggi kay Nelson na hindi sa kanya ang burner phone na iyon.

Princess: Ano ka ba naman, Nelson? Paanong magkakaroon ako ng burner phone? Ngayon ko nga lang nakita 'yang phone na hawak mo.

Tinitigang mabuti ni Princess ang phone na hawak ni Nelson at walang dudang iyon nga ang burner phone na kanyang ginagamit sa tuwing tatawagan ang kanyang kalaguyong si Marco.

Nelson: Kung hindi ito sa 'yo, eh, kanino? Lalong hindi ito sa akin!

Nabigla si Princess sa pagtataas ng tono ng boses ni Nelson.

Iyon ang unang pagkakataon na sinigawan ni Nelson si Princess at natatakot siya sa maaaring gawin nito sa kanya.

Umiwas ng tingin si Princess kay Nelson.

Princess: Paano kung m-may nakaiwan lang niyan dito sa bahay natin?

Mapaklang tumawa si Nelson at umiling.

Nelson: Maniniwala sana ako sa dahilang iyan kung ang ilan sa petsa ng registered calls ay hindi noong nakaraang linggo at ngayong linggo.

Hindi napigilan ni Princess na bahagyang manlaki ang kanyang mga mata.

Hindi pa rin tumitingin ng diretso si Princess kay Nelson.

Princess: Well, h-hindi ko na masasagot iyan. Basta wala akong kinalaman sa phone na 'yan. Maling-maling ipahiwatig mong may lalaki ako, Nelson.

Sa puntong iyon ay buong tapang na hinarap ni Princess si Nelson.

Princess: Buong buhay ko, wala akong ibang lalaking minahal kundi ikaw lang, Nelson. Sa iyo ko lang ipinagkatiwala ang puso ko. Tapos ngayon ay pararatangan mo akong may iba akong lalaki.

Hindi alam ni Princess kung paano niya nagawang hindi mautal habang nagsasalita gayong puro kasinungalingan ang lahat ng kanyang sinabi.

Princess: Nasasaktan ako.

Sadyang pinalungkot ni Princess ang tinig ng kanyang boses para maramdaman ni Nelson kung paano siyang nasasaktan sa mga akusasyon nito.

Humigpit ang hawak ni Nelson sa burner phone at kitang-kita sa mukha nito ang pagpipigil na umiyak.

Nelson: Mahal na mahal kita, Princess. Matagal ko nang nakita ang phone na ito. Katunayan ay lumapit ako sa best friend mong si Nicolai para alamin kung alam niya kung kaninong number ang tinatawagan ng taong gumagamit ng phone na ito.

Sa puntong iyon ay bumalatay ang kaba sa buong mukha ni Princess.

Paniguradong naka-save sa phone ng best friend ni Princess na si Nicolai ang number sa trabaho ng kanyang kalaguyong si Marco.

Nelson: Malas nga lang at hindi rin alam ni Nicolai.

Nakahinga ng maluwang si Princess dahil pinrotektahan siya ng kanyang kaibigang si Nicolai kahit pa hindi nito alam ang katotohanan tungkol sa kanilang dalawa ni Marco.

The Promise BraceletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon