CHAPTER 6

137 2 0
                                    

THIRD PERSON POV

*Past*

Kitang-kita ni Gabbie ang palihim na pagsiko ni Danica kay Sharmaine habang nakatanaw ang dalawa kay James. Naglalaro ng basketball sa malawak na gymnasium ng Winterville High ang lalaki kasama ang mga kaklase at kabarkada nito.

Danica: Gosh, Sharmaine. Sumusulyap pa sa 'yo si James bago mag-shoot. Sabi ko sa 'yo ay crush ka niyang lalaki na 'yan.

Halatang kilig na kilig si Danica habang nagsasalita. Hinihinaan pa nito ang boses para hindi marinig ng iba nilang kaibigan. Pero dinig na dinig sila ni Gabbie na kanina pang naiinis dahil nakikita niya si Nate na pasulyap-sulyap kay Sharmaine mula sa kabilang bleacher.

Lihim na iniibig ni Gabbie si Nate. Kapatid ito ng kaibigang si Danica. Isang College student. Lagi niya itong palihim na sinusulyapan sa tuwing may pagkakataon. Sa tuwing nakakasalubong niya ito sa corridor. Kapag may pagkakataong kumakain ito sa loob ng canteen. Sa tuwing nakikita niya itong nag-aaral sa library. Tuwing tumatambay ito sa gymnasium katulad ngayon.

Pero kahit isang segundo ay hindi naman niya nakitang sumulyap ito sa kanya. Si Sharmaine lamang ang sinusulyapan nito sa kanilang walong magkakaibigan.

At nagseselos si Gabbie.

Sa tuwing nababalitaan niyang may bagong kasintahan si Nate ay nakakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib. Sa tuwing nakikita niyang may kasamang babae si Nate sa loob ng campus ay parang gusto niyang manibugho. Sa tuwing nakikita niyang masaya si Nate at hindi siya ang babaeng dahilan ng kasiyahang iyon ay parang gustong madurog ng kanyang puso.

At dahil sa mga damdaming iyon na nararamdaman ni Gabbie, kaya niya napatunayan sa sariling mahal niya si Nate.

Lagi niyang itinatanong sa sarili kung bakit hindi natutuon sa kanya ang atensyon ni Nate. Hindi ba nito alam na siya ang secret admirer nito? Na siya ang laging nag-iiwan ng love letters and love notes sa labas ng locker nito? Na parang hindi niya kakayanin kung hindi man lang makita ang ngiti sa mukha nito sa araw-araw?

Mahal ni Gabbie si Nate.

Kaya gayon na lang ang inis niya ngayon habang nakikita niyang sumusulyap si Nate kay Sharmaine na kaibigan niya.

Tiningnan niya ang mga kaibigang sina Janine, Katie, Margaret, Nicolai, at Princess na nagkukwentuhan habang nanonood sa mga lalaking estudyante na naglalaro ng basketball. Nandito sila sa gymnasium ngayon dahil uwian na at tulad ng nakagawian nilang magkakaibigan ay tumambay muna sila sa gymnasium bago umuwi.

Sigurado si Gabbie na nakatanaw din ang kaibigang si Margaret sa stepbrother na si James tulad nina Sharmaine at Danica. Alam na alam ni Gabbie ang ganoong uri ng tinging ipinupukol ni Margaret kay James. Parehong-pareho sa kung papaano niyang tingnan si Nate. Alam niyang may lihim ding damdamin si Margaret para sa stepbrother nito.

Napangiti si Gabbie nang makitang masuyong sinusuklay ni Nicolai ang buhok ni Princess sa likod gamit ang mga daliri nito. Ang buhok ni Princess na nakaayos ng tulad sa pagkakaayos ng buhok ni Sharmaine. Kung hindi niya kilala ang kaibigang si Nicolai ay iisipin niyang may gusto ito sa kaibigan nilang si Princess. Iba ang pagtrato ni Nicolai pagdating kay Princess kung ikukumpara sa kung paano nito itrato ang ibang kaibigan.

Naagaw ang pansin ni Gabbie nang tumunog ang cellphone ni Janine habang kausap nito si Katie na tuluy-tuloy ang pagsubo ng junk food. Isinusubo pa ang mga daliri nito para dilaan ang kumapit na cheese dito.

Nakita ni Gabbie na tumayo si Janine mula sa pagkakaupo sa bleacher at nagpaalam ito sa kanila na mauuna nang umuwi. Mukhang nagmamadali ito at patakbong lumabas ng gymnasium. Lately ay lagi itong biglang umaalis sa tuwing magkakasama silang magkakaibigan.

The Promise BraceletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon