CHAPTER 19

74 3 0
                                    

THIRD PERSON POV

Yakap-yakap ni Princess sa kanyang dibdib ang larawan ng kanyang namayapang asawang si Nelson Domilla habang tumutulo ang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi.

Katatapos lamang ng libing ng asawa ni Princess at nakauwi na siya at ang kanyang anak na si Kiara sa kanilang bahay. Mabigat na mabigat ang loob ni Princess dahil sa pagkawala ng kanyang asawa.

Totoong pinagtaksilan ni Princess ang kanyang asawa noong nabubuhay pa ito ngunit wala siyang planong iwan o hiwalayan ito rahil alam niyang hindi magagawa ng kanyang kalaguyong si Marco ang iwan ang asawa nitong si Janine na isa sa kanyang mga kaibigan para sa kanya.

Matagal nang tinanggap ni Princess sa kanyang sarili na hanggang kabit lamang ang kanyang papel sa buhay ni Marco at hindi niya ito maaangkin kailanman. Alam din ni Princess na wala siyang magiging laban sa kayamanan ni Janine oras na malaman nitong siya ang kerida ng mister nito.

Walang balak si Princess na kalabanin si Janine dahil kung gagawin niya iyon ay para na rin niyang iniumpog ang kanyang ulo sa isang matigas na bato.

Makapangyarihan ang pamilya Bolivar sa kanilang lugar at maraming connections ang mga magulang ni Janine. Ang pamilya ng mga ito ay halos kapantay ng pamilya De Angeles, ang pamilya ng kaibigan ni Princess na si Danica, pagdating sa kapangyarihan sa kanilang lugar.

Kaya alam na alam ni Princess na isang salita lamang ni Janine oras na matuklasan nitong siya ang kinakalantari ng asawa nito ay makukulong siya at ang asawa nito. At hindi iyon gustong mangyari ni Princess.

Maliban sa hindi gustong makulong ni Princess dahil maiiwang mag-isa ang kanyang anak na si Kiara ay hindi niya rin gustong magdusa ang kanyang lalaking pinakamamahal sa likod ng mga rehas ng bilangguan. Labis na iniibig ni Princess si Marco.

Sa sobrang pagmamahal ni Princess para kay Marco ay nagawa niyang protektahan ito at ang lihim nito ng ilang taon. Ang gabing nakita ni Princess si Marco na isinasakay ang katawan ng kanyang dating kaibigang si Sharmaine sa loob ng isang van kasama ang isang taong nakasuot ng bonnet na tumatakip sa buong mukha nito maliban lamang sa mga mata.

Mahal ni Princess si Marco at gagawin niya ang lahat para rito.

Dahil sa hindi naman kayang hiwalayan ni Marco si Janine para kay Princess kaya hindi kailanman pumasok sa isipan ni Princess ang sirain ang kanyang sariling pamilya. Kasama na roon ang huwag silang mahuhuli ni Marco na magkasama ng sinumang nakakakilala sa kanila lalo na ang kanyang asawa.

Ngunit nangyari ang kinatatakutan ni Princess at bago pumanaw ang kanyang asawa ay nakita ni Nelson na magkasama silang dalawa ni Marco at hindi lamang isang beses kundi dalawang beses.

Kabadong-kabado si Princess nang mga sandaling iyon dahil maaaring sabihin ni Nelson sa misis ni Marco na si Janine ang mga natuklasan nito at alam niyang wala siyang magagawa kapag nagsampa ng kaso si Janine sa kanilang dalawa ni Marco. Kayang-kayang gumawa ng ebidensya ng kanilang affair ni Marco ang kanyang kaibigang si Janine kung gugustuhin nito at paniguradong sa bilangguan ang bagsak nilang dalawa ng kanyang kalaguyo.

Kaya naman nang umalis si Nelson sa kanilang bahay ay nataranta si Princess dahil baka magpunta ito kay Janine. Agad na tinawagan ni Princess ang kalaguyong si Marco para ibalita rito ang nangyari. Pinapunta ni Princess si Marco sa kanilang bahay ni Nelson para magplano kung paanong babaligtarin ang sitwasyon.

Naisipan ni Marco na palabasin ni Princess sa lahat ng mga kaibigan nitong may babae si Nelson at nang mahuli ito ni Princess ay binaligtad siya ni Nelson at sinabi nitong siya ang may lalaki. Hindi man sang-ayon si Princess sa planong iyon ni Marco ay ginawa na rin niya para hindi sila mapahamak ni Marco sa mga kamay ni Janine maliban pa sa katotohanang natataranta na rin siya nang mga oras na iyon.

The Promise BraceletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon