CHAPTER 14

208 2 0
                                    

THIRD PERSON POV

Nagulat si Nelson nang marinig na nagsalita ang among si Marco habang ipinagmamaneho niya ito patungo sa malaking bahay nito at ng asawa nitong si Janine na kaibigan ng kanyang misis na si Princess.

Marco: Napakaswerte mo sa akin, Nelson. Saan ka nakakita ng among malaki ang pinapasweldo sa kanyang driver kahit na hindi nito araw-araw ipinagmamaneho ang amo?

Ngumiti si Nelson kay Marco sa rear-view mirror.

Ngiti ng pasasalamat.

Ngunit hindi iyon umabot sa mga mata ni Nelson.

Totoo namang hindi araw-araw ipinagmamaneho ni Nelson si Marco at ipinagda-drive niya lamang ito sa tuwing tatawagan siya nito na bihira namang mangyari.

Nelson: Tama po kayo, Sir Marco. Maswerte talaga ako at nabigyan niyo ako ng hanapbuhay kaya nakakatulong ako sa aking asawa pagdating sa mga gastusin sa bahay.

Marahang tumawa si Marco.

Marco: Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag mo na akong tawaging Sir Marco? Marco na lang. Alam mo namang magkaibigan ang mga misis natin.

Nakita ni Nelson sa rear-view mirror na tumingin muna sa labas ng bintana ng sasakyan si Marco bago muling nagsalita.

Marco: At isa pa ay inaanak namin ni Janine ang anak ninyo ni Princess na si Kiara. Kaya magkumpare na rin tayo.

Muling tumawa si Marco na may kasama pang pag-iling.

Nelson: Nagtataka nga ako kung bakit kinuha mo akong driver, eh, mukhang hindi mo naman kailangan. Ang lakas-lakas mo pa nga.

Sa rear-view mirror ay sinubukang tingnan ni Nelson si Marco sa mga mata nito ngunit nanatiling nakatutok ang mga mata ni Marco sa labas ng bintana ng sasakyan.

Marco: Well, nakiusap ang misis mong si Princess sa aking asawa na hanapan kita ng trabaho. Wala namang bakanteng position sa Bolivar Rice Mills kaya nag-isip na lang ako ng pwedeng ipagawa sa iyo.

Marahang tumawa si Nelson habang nakatutok ang kanyang mga mata sa daan.

Nelson: At itong pagiging driver mo ang naisip mo.

Nagkibit-balikat si Marco at tumingin kay Nelson sa rear-view mirror.

Marco: At maganda naman dahil malaking tulong sa inyo ni Princess.

Tumango-tango si Nelson at sandaling sinalubong ang mga titig ni Marco sa kanya sa rear-view mirror bago muling itinuon ang buong atensyon sa pagmamaneho.

Matapos maihatid si Marco sa malaking bahay nito ay umalis na rin si Nelson para sunduin sa school ang kanyang anak na si Kiara.

Nagsabi kaninang umaga ang misis ni Nelson na si Princess na hindi nito masusundo ang kanilang anak sa school ngayon dahil mag-o-overtime ito sa trabaho.

----------

Nakaupo sa dining room chairs sa loob ng dining room ng mag-asawang Gabbie at Nate ang magkakaibigang Danica, Gabbie, Janine, Katie, at Nicolai.

The Promise BraceletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon