THIRD PERSON POV
Malakas na napasinghap si Margaret at muntikan nang mabitiwan ang hawak na basong may lamang tubig nang maramdaman ang malaking bisig na pumalibot sa kanyang baywang.
Para siyang itinulos sa kanyang kinatatayuan nang mga sandaling iyon. May hinala na sa kanyang isipan kung sino ang taong nasa kanyang likuran.
Iisang tao lang naman sa loob ng malaking kabahayang iyon ang may lakas ng loob na gawin sa kanya ang ganoong klase ng kapangahasan.
Ang hardinerong si Apollo.
Patuloy pa rin ang ginagawa nitong paggamit sa kanyang katawan kapalit ang pananahimik nito tungkol sa iniutos niya ritong pagbaon sa isang durog na bracelet. Kapag binanggit nito ang bagay na iyon sa kanyang stepbrother na si James ay paniguradong maghihinala ito.
Kapag natuklasan ng kanyang kapatid ang tungkol sa pulseras na iyon, walang duda sa kanyang isipan na magtatanong ito kung kanino ang kagamitang iyon at bakit kailangan niyang ipabaon sa ilalim ng lupa.
Dahan-dahang inilapag ni Margaret sa ibabaw ng marbled kitchen island ang hawak na baso ng kanyang kanang kamay habang nagsisimula nang maglandas ang dulo ng dila ng mapangahas na lalaki sa gilid ng kanyang leeg.
Unti-unting bumuka ang kanyang bibig habang ang kanyang mga mata ay marahang pumikit. Hindi niya mapigilang namnamin ang masarap na sensasyong idinudulot sa kanyang katawan ng senswal na pagdila ng lalaki sa nakahantad niyang balat.
Isang impit na halinghing ang kumawala mula sa kanyang lalamunan nang sabayan nang paghalik ng lalaki ang ginagawa nitong paghimas sa kanyang makinis na leeg gamit ang sarili nitong dila.
Habang tumatagal ang mga nakaw na sandali sa pagitan nilang dalawa sa mga araw na dumaraan ay lalo lamang nalululong si Margaret sa apoy ng pagnanasa na binubuhay ng lalaki hindi lamang sa kanyang katawan, kundi maging sa kanyang buong sistema.
Maaaring ang stepbrother niyang si James ang itinitibok ng kanyang puso ngunit ang bawat kasuluk-sulukan ng kanyang katawan at bawat himaymay ng kanyang laman ay si Apollo na ang hinahanap.
Animo’y nasanay na ang kanyang katawan sa mainit na presensya ng lalaki. Parang minarkahan na ng mapang-angking mga daliri at malikot na dila ng isa sa mga tauhan nila sa malaking kabahayan ang kanyang balat.
Naramdaman ni Margaret na unti-unting bumababa ang humahalik na mga labi ni Apollo sa kanyang kanang balikat. Nang maramdaman ang marahang pagbaon ng mga ngipin nito sa bahaging iyon ng kanyang katawan ay mahina siyang umungol.
Para siyang nahimasmasan nang marinig ang sariling ungol at idinilat ang mga mata. Naalalang naroon sila sa loob ng kusina ng bahay at anumang sandali ay maaaring may makakita sa kanila roon.
Kaagad siyang kumapit sa kanang bisig ng lalaki na nakapaikot sa kanyang baywang para kuhain ang atensyon nito.
Margaret: A-Apollo...
Parang bulong lamang na naglandas palabas ng kanyang bibig ang pangalan ng lalaking hinahalikan ang kanyang balikat.
Naramdaman ni Margaret na humigpit ang pagkakaikot ng bisig ng lalaki sa kanyang balingkinitang baywang. Pakiramdam niya ay parang hindi siya gustong pakawalan ng lalaki.
Margaret: B-baka may makakita sa atin dito, Apollo?
Mas malakas na ungol pa ang kumawala mula sa kanyang bibig matapos sabihin iyon nang maramdaman niyang sumapo sa kanyang kaliwang hinaharap ang malaking kaliwang kamay ng lalaki.
Manipis lamang ang suot niyang negligee kaya parang nakalapat na rin ang malapad na kamay ng lalaki sa balat ng kanyang malamang hinaharap.
Nang magsimulang pisilin ni Apollo ang kanyang mabilog na hinaharap ay napakapit na ang dalawang kamay ni Margaret sa gilid ng counter ng kitchen island. Ang dila nito ay pabalik-balik na naglalandas sa kanyang balikat na sinasamahan nang marahang paghalik.
BINABASA MO ANG
The Promise Bracelet
Mystère / ThrillerA tragic story full of lies, secrets, cheating, and betrayal. Walong magkakaibigang sabay-sabay na nangako sa harapan ng bawat isa, suot ang kanilang bracelets, na mananatili ang hindi mapapantayang pagkakaibigan magpakailanman. Ngunit sa kalagitnaa...
