CHAPTER 23

126 2 0
                                        

THIRD PERSON POV

‎Nakailang hilamos na si Danica ng kanyang mukha sa loob ng en suite bathroom ng kanyang kwarto sa pag-asang mawawala na sa kanyang isipan ang babaeng kamukhang-kamukha ng kanyang dating kaibigang si Sharmaine Bustos. Ngunit mas lalo lamang lumilinaw sa kanyang diwa ang anyo ng babaeng kasama ng kanyang dating kasintahang si James Montellon.

‎Nang makaharap ni Danica ang babaeng nagngangalang Bridget Marfori sa loob ng seafood restaurant na kanyang pinuntahan kasama ang manliligaw na si Dominic ay para siyang pangangapusan ng hangin sa katawan sa labis na pagkabigla. Parehong-pareho ang wangis ng babae sa mukha ng kanyang namayapang kaibigan.

‎Kung hindi lamang niya alam kung ano ang ginawa nilang magkakaibigan sa katawan ni Sharmaine noon ay iisipin niyang si Bridget at Sharmaine ay iisa.

‎Ngunit kahit ganoon ay hindi niya pa rin napigilan ang kanyang sarili na maibulalas ang pangalan ng dating kaibigan sa harapan ni Bridget.

‎Muli na namang pumasok sa isipan ni Danica ang naging eksena sa loob ng restaurant kanina.

Danica: Sh-Sharmaine?

‎Parang gustong pagalitan ni Danica ang kanyang sarili nang banggitin ang pangalan ng dating kaibigan sa harapan ng babaeng nagpakilalang Bridget Marfori.

‎Nakita ni Danica na sandaling natigilan sa kanyang harapan si Bridget ngunit dahil halo-halo ang emosyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon ay inisip na lamang niya na gawa lamang iyon ng kanyang imahinasyon.

‎Bridget: Sharmaine? Sharmaine who?

‎Sa isip ni Danica ay parang gusto na lang niyang ihulog ang sarili sa ilog katulad nang ginawa nilang magkakaibigan kay Sharmaine dahil maling-mali na binigkas pa niya ang pangalan ng dating kaibigan sa harapan ni Bridget at maging sa harapan ng dating kasintahan na si James at manliligaw na si Dominic.

‎James: Uhm, a woman from the past. Might be just a slip of the tongue.

‎Gustong magpasalamat ni Danica kay James dahil hindi niya alam kung paano sasabihin kay Bridget na ang Sharmaine na tinutukoy niya ay ang dati niyang kaibigan na namayapa na ngunit para sa ibang residente ng Santa Gianna ay buhay pa rin at nawawala lamang.

‎Nakita ni Danica ang pagtaas ng isang kilay ni Bridget at pagkatapos ay tumango-tango.

‎Bridget: Kamukha ko ba siya?

‎Nang muling humarap si Bridget kay Danica at makita niya ang amusement sa mga mata nito habang sinasabi ang mga katagang iyon ay parang gusto na lamang niyang magpalamon sa ilalim ng lupa.

‎Dominic: Are you okay?

‎Napapiksi pa si Danica nang maramdaman ang hininga ni Dominic sa kanyang kanang tainga.

‎Kung hindi pa nagsalita si Dominic ay baka tuluyan nang nakalimutan ni Danica na nakasandal siya sa katawan ng lalaki at nakaalalay ito sa kanya mula pa nang manlambot ang kanyang mga tuhod pagkakita pa lamang sa mukha ni Bridget Marfori.

‎Pasimpleng tumango si Danica kay Dominic at tumuwid ng tayo. Humugot siya ng malalim na paghinga habang nakatitig sa mukha ni Bridget.

The Promise BraceletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon