THIRD PERSON POV
Nahinto ang pagmumuni-muni ni Nelson sa loob ng maliit na bar na iyon sa bayan nang maramdaman nito ang kamay na dumantay sa kanyang kanang balikat.
Hilam sa luha ang mga matang nilingon ni Nelson ang taong nagmamay-ari ng kamay na iyon na nakapatong sa kanang balikat nito.
Kumunot ang noo ni Nelson nang makita ang mukha ng isa sa mga kaibigan ng kanyang asawa. Si Katie.
Kitang-kita ni Katie na marami nang nainom na likidong nakalalasing si Nelson at mapungay na ang mga mata ng lalaki.
Alam din ni Katie na kanina pa umiiyak si Nelson habang nagpapakalasing.
Umupo si Katie sa katabing bar stool ng inuupuan ni Nelson sa harap ng bar counter.
Nelson: Niloko niya ko.
Nagulat si Katie nang biglang magsalita si Nelson sa kanyang tabi. Wala namang balak makipag-usap si Katie kay Nelson. Ngunit lasing na ang lalaki at nag-aalala lamang si Katie sa maaaring gawin nito lalo na sa sitwasyon nito at ng asawa nito ngayon.
Iniisip ni Katie na baka bigla na lamang magwala si Nelson sa loob ng bar na iyon kahit na wala sa personalidad nito ang makipag-away kaya naman nilapitan niya ito.
Kahit lasing na si Nelson ay maayos pa rin ang pananalita nito.
Katie: Pag-usapan ninyo ng maayos ni Princess ang problema ninyo. Kapag hindi na mataas ang emosyon ninyong dalawa.
Pinasadahan ng tingin ni Katie ang basong naglalaman ng nakalalasing na likido sa harapan ni Nelson.
Katie: At 'yong hindi ka na lasing.
Nagulat si Katie nang makitang unti-unti na namang tumutulo ang mga luha mula sa mga mata ni Nelson patungo sa magkabilang pisngi nito.
Nelson: Sana ay hindi na lamang si Princess ang niligawan ko noon. Sana ay ipinaglaban ko na lang kung sino ang una kong minahal sa inyong magkakaibigan.
Nabigla si Katie sa narinig niyang iyon mula kay Nelson.
Iniisip ni Katie kung tama ba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ni Nelson o rahil lamang sa kalasingan kaya kung anu-ano ang mga sinasabi nito.
Nelson: Ako ang pumulot ng batong ipupukpok ko sa aking ulo. Lalo na nga at minahal ko rin si Princess sa huli.
Napukaw ang kuryusidad ni Katie tungkol sa unang babaeng minahal ni Nelson sa kanilang magkakaibigan.
Iniisip ni Katie na maaaring ang dating iniibig ni Nelson sa kanilang magkakaibigan ang babae ni Nelson.
----------
Huminto sa di-kalayuan mula sa maliit na bar sa bayang iyon ang kotseng minamaneho ni Dominic.
Nilingon ni Dominic si Danica na nakaupo sa passenger seat ng kotse nito.
Dominic: Gusto mo bang hintayin kita rito hanggang sa matapos ang pag-uusap ninyo sa loob?
Si Danica ay parang hindi narinig si Dominic nang makita niyang pumarada malapit sa labas ng bar na iyon ang isang pamilyar na kotse.
Nakita ni Danica na bumaba mula sa asul na kotse ang kanyang kaibigang si Nicolai. Marahil ay nagpunta rin ito sa bar para kausapin si Nelson.
Gusto ring kausapin ni Danica si Nelson para kumpirmahin mula rito ang sinabi ng kanyang kaibigang si Princess na nambababae ang asawa nitong si Nelson.
Dominic: Danica?
Napapitlag pa si Danica nang marinig ang tinig ng boses ni Dominic sa kanyang tabi.
Nilingon ni Danica si Dominic.
BINABASA MO ANG
The Promise Bracelet
General FictionA tragic story full of lies, secrets, cheating, and betrayal. Walong magkakaibigan na sabay-sabay nangako sa bawat isa na mananatili ang pagkakaibigan magpakailanman. Ngunit ano ang mangyayari kung pag-ibig para sa taong minamahal ang nakasalalay pa...