THIRD PERSON POV
Nanlalaki ang mga mata ni Katie nang makita ang babaeng umupo sa cantilever chair na nasa harap ng kanyang mesa sa pinagtatrabahuang bangko sa bayan kung saan siya nakatira.
Iilan pa lamang ang bangko sa bayang iyon dahil hindi pa ganoon kaprogresibo ang kanilang lugar kung ikukumpara sa mga karatig-bayan.
Nagtatrabaho bilang bank teller si Katie at kadalasan ay siya ang nag-aasikaso sa mga customer na gustong mag-deposit ng malaking halaga at mag-open ng account sa bangkong kanyang piagtatrabahuan.
Napalunok ng laway si Katie nang muling titigang mabuti ang mukha ng babaeng nasa kanyang harapan ngayon.
Kumunot ang noo ng babae sa tipo ng pagkakatitig ni Katie rito.
Sa wari ng babae ay parang hindi makapaniwala ang bank teller na nasa harapan nito sa nakikita nang mga oras na iyon.
Babae: Ahm, Miss, don't you know it's rude to stare at someone?
Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Katie nang marinig ang sinabing iyon ng babaeng nasa kanyang harapan.
Agad na tumuwid ng upo si Katie at tumikhim.
Biglang nahiya si Katie sa kanyang inasal sa harapan ng babaeng customer. Tama nga naman ito na hindi magandang asal ang titigan ang isang tao lalo na at hindi natin kakilala.
Ngunit ang babaeng nasa harapan ni Katie nang mga sandaling iyon ay kamukhang-kamukha ng isang babaeng malaki ang naging parte sa nakaraan ni Katie.
Kamukha ng babaeng customer ang dating kaibigan ni Katie na si Sharmaine Bustos.
Katie: I-I'm sorry. I-I just thought you look familiar, Ma'am. Please accept my apology.
Magalang pang tumango si Katie sa babaeng customer.
Ang babaeng customer ay ngumiti kay Katie.
Babae: It's fine. It happens to all of us. Mabuti na lamang at sa akin mo ginawa. Alam naman nating hindi pare-pareho ang utak ng mga tao.
Marahan pang tumawa ang babae pagkatapos nitong magsalita.
Parang nanlalambot ang mga tuhod ni Katie habang nagsasalita ang babae sa kanyang harapan kaya ipinagpapasalamat niyang nakaupo siya nang mga oras na iyon.
Ngumiti si Katie sa babaeng customer at sa pilit na pormal na tinig ng boses ay nagsalita.
Katie: Good morning, Ma'am. I'm Katie. How can I help you?
Ngumiti ang babae at sandaling inikot ang paningin sa loob ng bangko bago muling humarap kay Katie.
Babae: Gusto kong mag-open ng account sa bangko ninyo, Miss Katie.
Sandaling tinitigan ni Katie ang babae at maya-maya ay tumango at kumuha ng isang form para sa pag-open ng bank account at iniabot iyon sa babae.
Matapos magbigay ng instructions ni Katie ay sinimulan na ng babae ang pag-fill out sa form.
Hindi pa rin makapaniwala si Katie habang tinititigan ang babaeng nasa kanyang harapan. Kamukhang-kamukha ito ni Sharmaine.
Ngunit matagal nang wala si Sharmaine at saksi si Katie kung paanong nawalang parang bula si Sharmaine sa bayang iyon.
Nang matapos na ang babae sa pag-fill out ng bank account opening form ay kinuha na iyon ni Katie at nanghingi siya ng two valid identification cards mula sa babae.
Nang tingnan ni Katie ang form na sinagutan ng babae ay mahina niyang binasa ang pangalang nakita niya roon.
Katie: Bridget Marfori.
BINABASA MO ANG
The Promise Bracelet
General FictionA tragic story full of lies, secrets, cheating, and betrayal. Walong magkakaibigan na sabay-sabay nangako sa bawat isa na mananatili ang pagkakaibigan magpakailanman. Ngunit ano ang mangyayari kung pag-ibig para sa taong minamahal ang nakasalalay pa...