KINABUKASAN
Hindi nag-alarm ang phone ko kainis! Mabuti na lang ay kaagad akong kumilos at nagbihis.
Kinakabahan talaga ako, mga mhie! Kase ba naman 'di ba pinagbantaan ako ni Sungit kahapon tapos nagkakausap na kami ni Madame Jean sa twitter. Do'n ako nagpa-add dahil iyon ang source of chismis ko kapag trabaho o academic non.
Infairness ang ganda ng name ni Madame Jeanry. Jeanry Anne Mercedes ang full name niya at may mga kuya pa raw siya, dalawang nakakatandang kapatid niya, sina Hyunjin and Ginsen Mercedes. Jean, Jin, Gin. Talino ng magulang.
Pinakita niya kahapon geez ang g-gwapo!
T-teka.. Shete! Paano na 'to? Hired pa ba ako? Ay oo nga pala. Pinalabas niya lang ako at sabi niya bago daw tumilaok ang manok ay dapat pumasok na ako—What the pakening tape! 9 na!
"Shuta naman this! Kainis!" Mabilis kong inayos ang damit at gamit ko at pinara ang isang jeep na kokonti lang ang sakay.
Thank God! Sana sa konti ng pasahero ay mabilis ang byahe. Naku, may swapang na mga driver diyan 'no like every 5 minutes humihinto. Mahal naman din ng tricycle.
Kumuha ako ng pambayad at inabot sa isang lalaki na pasahero din.
"SB, diyan lang sa 3rd street po." Napalingon ang ibang pasahero sa'kin.
Did I said something wrong ba? Makatingin wagas.
"Starbucks?" tanong ng driver.
"Ay, hindi po, sa may sabawan ng buto siguro? Malamang sa Salvador Building ho, wala namang starbucks sa diretso diyan." magalang na pamimilosopo ko sa kaniya.
Aba't late na nga ako ay lalo pa nila ako b-bwisitin.
"Ay, ang swerte mo naman, girl," biglang tapik ng isang bading sa harapan ko.
Ay 'te, close tayo? Joke.
"Malas nga e," nakasimangot na sabi ko.
"Haluh, girl. Ang gwapo kaya ng CEO diyan e. Mapapasana all nalang talaga ako dahil ikaw araw-araw mo siyang nakikita. Kaya bakit malas?" tanong nito. Lumapit ako ng bahagya sa kaniya sabay bulong, "Araw-araw may menopause ang boss namin."
"Kuya, para po!" Agad namang tumigil ang jeep sa tapat ng building mismo.
Bumaba na'ko at agad tumungo sa loob pero bago ako makapasok, syempre nagbatian kami ni Manong Guard.
"Magandang, magandang ako, Manong. HAHAHA, char. Magandang umaga, Manong," nakangiting bati ko sa kanya.
"Dumating na ba si Sir, Manong?" tanong ko agad sa kaniya. Umiling ito at ngumiti kaya naman ay nag-time in na ako.
Mabuti naman— Oh! Late siya!
"Parati—Ayan na pala siya oh." Awtomatiko akong napatayo ng tuwid, sabay kuha ng booklet ni Manong at mabilis na ipinagtakip sa mukha ko at yumuko.
YOU ARE READING
Secretary of a Mafia (Vasileios #1)
General Fiction[COMPLETED] Agasher Dame Reyes was accused of her grandmother's murder, so she fled from her accusers. During her escape, she encountered a mysterious woman wearing a gold mask who offered to take her in the Philippines. After three years and now ei...