KINABUKASAN
Nagising na lang ako na may muta sa mata, may laway sa gilid ng labi pero at least maganda pa rin akong gumising.
Teka, teka, teka.. Nasaan ako?
Agad akong napabalikwas ng upo nang mapagtantong hindi ko ito kwarto.
Shete, anong nangyari sa'kin kagabi?
"Do you want me to drive you home, Dame?"
"Stop talking nonsense, Montevalye. Now, get your ass away from her or do you want me to call Yvanna that is looking in our direction right now? Agasher is mine so fuck off."
"Hoy! Kayong dalawa huminto na kayo. Anong mine mine? Ayos na ako, Sir. Kailangan kong hanapin si Jean dahil baka mapahamak pa siya. Balikan mo na si Yvanna dun, Storm."
"BWAAAAAAOAKK!"HOY! HOY! HOOOOOYYY!! ANO 'YON???? HUH? SINUKAHAN KO SI SIR???!!!
AY— Sandali lang.
Hala! Seryoso yun? Sinukahan ko si Buhangin? Paano na 'to? Bilang na ang araw ko kay Bossinh!
At.. Sa kaniya ba itong kwart—
"You're awake." Napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ko si Buhangin na nakatayo sa gilid ng pinto habang nakatop—TOPLESS! O-O-O! Pandesal~
"Hala po!" napatili ako ng malakas nang marealize ang kung ano ang meron sa harapan ko sabay takip ng kumot sa buo kong katawan.
Hala, hala, halaaaaaa! Bastos!
Mabagal kong iginala ang mga mata ko sa buong katawan ko.
O-oversized shirt? Sa kaniya din ba 'to? Huh? At teka.. May naaalala ako. Makikipagkita pala ako kay jowa neto.
"S-sir.. Ano na pong oras?" shutangina, ba't ba ko nanginginig sa kaba?
"Sakto lang naman sa tilaok ng mga manok." malamig na sagot nito sa'kin.
Wow ha, ganda ng sagot.
"Sir naman... S-seryoso ho ako.." pagmamakaawa ko na.
Lagot na! Malay ko ba baka 9:30 na ganon, maliwanag na kase sa labas sakto lang na dumapo sa akin ang araw tapos baka sabunutan ako ng fianceé niya kapag nagkita kami kase late ako, lalo na't mukhang depress ata yung babaeng yun.
Hehehe.
"Isn't it obvious that it's already 6 am? Prepare yourself dahil ihahatid na kita." Dahan-dahan ko namang inalis ang kumot na nakatakip sa buong katawan ko.
Ay? Ang aga pa pala. Buti na lang maaga pa pala. Ang sakit ng ulo ko grabe.
At.. Salamat sa Diyos dahil may damit na siya.
"S-sir, paano po yung damit ko?"
"Tinapon ko na." nakangisi na sagot niya. Ano raw? Tinapon?
"T-TINAPON?!" hindi makapaniwalang sigaw ko sa kanya. Napatakip naman ito ng dalawang tenga.
"Why do you need to fucking shout? It's just a fucking piece of clothes that you can buy anywhere. I can buy you more, more, and more, if you fucking want. I could buy you more expensive clothes than that." galit na usal nito habang ako ngayon ay yamot na yamot.
"Eh malamang! Anong susuotin ko???!" galit ko ring usal sa kaniya.
"See that clothes over there? That's what you're going to wear on your way home later." turo niya sa mga nakatuping damit na nasa single sofa niya malapit sa kama lang.
YOU ARE READING
Secretary of a Mafia (Vasileios #1)
General Fiction[COMPLETED] Agasher Dame Reyes was accused of her grandmother's murder, so she fled from her accusers. During her escape, she encountered a mysterious woman wearing a gold mask who offered to take her in the Philippines. After three years and now ei...