Tahimik akong nagbabasa ng libro sa kwarto ko, mag-aalas dose na ng madaling araw. Ang orasan sa dingding ay para bang lumalaro sa mga mata ko.
Magbabasa pa ako dahil maganda na ang plot niya. Hanggang sa matapos ko 'to, walang isa-isang chapter sa akin dahil maganda siya at ayaw kong palagpasin.
Hindi na ako masusuway ni Mommy dahil alam kong natutulog na ang lahat sa bahay. Habang patuloy akong nagbabasa, bigla akong nakarinig ng malakas na kalabog mula sa kwarto ng lola ko na katapat lamang ng tinutulugan ko.
Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at lumabas ng kwarto. Napansin ko ang pangangatog ng mga kamay ko habang papalapit ako sa pintuan ng kwarto ng lola ko.
Might be a ghost hunting lola? Oh no!
Nang makarating ako, maingat kong pinihit ang seradura at binuksan ang pinto. Ang eksenang nadatnan ko ay halos hindi ko masikmura at nakakagulat. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa nakita at napako ako sa kinatatayuan ko.
Isang batang babae ang nasa loob, inilalagay ang unan sa mukha ng lola ko. Ang batang babae ay puno ng dugo, at ang lola ko ay nakahandusay sa kama, tila wala nang buhay. Agad akong tumakbo palapit sa kanila. Tinulak ko ng malakas ang batang babae para makalayo sa lola ko at hindi na niya ito mahawakan pa.
“What did you do to my grandma?!” sigaw ko habang umiiyak. Lumingon ako sa lola ko at nakita kong may kutsilyo sa tagiliran niya. Agad kong hinila ang kutsilyo at hinawakan ko ang sugat niya, umaasang maaari pang mabuhay ang lola ko.
“AAAAHHH! HELP! ACANTHA KILLED MY GRANDMOTHER!” sigaw ng batang babae. Ang sigaw niya ay tumusok sa mga tenga ko at nagdulot ng matinding takot sa akin.
Nabitawan ko ang kutsilyo at ang sugat ni Lola. “You killed her, not me! I can’t even do that!” umiiyak kong sabi, habang ang batang babae ay patuloy na sumisigaw. Ang mantya ng dugo mula sa lola ko ay nagbabad sa mga kamay ko.
Takot na takot ako na mapagbintangan, kaya't niyakap ko ang lola ko at tumalon mula sa bintana. Ang lahat ng kamag-anak ko, magulang, at mga kapatid ko ay agad na dumating sa eksena.
Saglit akong napahiga matapos kong tumalon at hinahabol ang paghinga ko dahil para akong mamamatay. Hindi ako makapagsalita o makasigaw man lang, walang lumalabas sa bibig ko.
Ilang segundo pa ang lumipas ay sinubukan ko nang magsalita at kumilos. Tumakbo ako papalayo mula sa palasyo. Nagtago ako sa mga guwardiyang tumatakbo na para bang may hinahanap at ang iba patungo sa loob.
Habang nagtatakbo ako palayo mula sa palasyo, hindi ko maisip na gano'n ang magaganap sa katigasan ng ulo ko. Palayo ako nang palayo sa palasyo ngayon at iniiwan ko ang isang kaguluhan na hindi ko kayang ipaliwanag. Ang bawat hakbang ko palayo sa palasyo ay tila isang hakbang palayo sa isang masalimuot na kapalaran na hindi ko ginusto.
Nagpunta ako sa isang madilim na sulok ng park na malapit sa palasyo, hindi ko na nararamdaman ang malamig na hangin ng gabi dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Takot at pangungulila sa katotohanan ang bumabalot sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin. Nang biglang may humila sa akin na ikinasigaw ko.
"AAAAAAHHHHH!" napabalikwas ako nang tayo matapos mapanaginipan ang pangyayaring 'yon. Napasapo ako ng ulo at naiiyak na napabagsak muli ng higa.
I did not kill my grandmother. Hindi ko kailan man magagawa 'yon dahil mahal na mahal ko siya. Takot na takot lang ako noon kaya ako tumakas. Napagbintangan lang ako kaya nila ako pinaghahanap ngayon.
Tangina naman kasi. Kasalanan lahat ito ni Tremaine pero bakit parang habang tumatagal ako pa ang pinaparusahan ng Diyos? Sabagay, hangga't nabubuhay si Tremaine o nakakaalis pa ito at hindi nalilinis ang pangalan ko, hindi ako matatahimik, patuloy lang akong takbo nang takbo mula sa kapalarang hindi naman sa akin.
YOU ARE READING
Secretary of a Mafia (Vasileios #1)
General Fiction[COMPLETED] Agasher Dame Reyes was accused of her grandmother's murder, so she fled from her accusers. During her escape, she encountered a mysterious woman wearing a gold mask who offered to take her in the Philippines. After three years and now ei...