CHAPTER NINETEEN

324 5 0
                                    

AGASHER DAME REYES

Marahan kong binuksan ang mga mata ko, at pinilit kong iniikot ang paningin ko sa paligid ng kwarto. Ang kulay ng kisame ay kulay abo, gano'n din ang pader. Amoy lalaki ang silid, na nagbigay sa akin ng ideya na lalaki ang may-ari ng kwartong ito. Baka kay Bullet? Pero si Sir ang kasama ko bago ako mawalan ng malay?

Napansin kong medyo malalim ang paghinga ko habang nag-iisip. Naninikip pa rin ang dibdib ko at para rin akong nahihirapang huminga. Mabuti na lang din at dito ako dinala. I hate hospitals.

"Thank God, you're finally awake." Napalingon ako sa nagsalita. Akala ko si Bullet, pero ibang tao ang nakikita ko. May halong gulat at pagdadalawang-isip ang naramdaman ko.

Hindi ito ang huling kwartong pinuntahan ko nun marahil ay baka penthouse niya 'to?

"Sir, pasensiya na po." panghihingi ko ng tawad, ang boses ko ay napapaos. Medyo kinakalabit ko pa ang dulo ng unan, hindi ko alam kung paano mag-react.

"No, it's okay. Dapat ako ang magsabi niyan. I'm sorry for giving you so much work, na-over fatigue ka tuloy. And thanks for saving Jean last Sunday."

"You're welcome, Sir." Sabi ko na lang nang plain. Parang wala akong maisagot kung hindi ay gano'n lang. Wala akong choice kundi ang magpanggap na okay lang ako kahit na ang totoo ay gusto kong maglakad palabas ng kwarto at iwasan ang lahat.

Iba ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya. Nasasaktan ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Ah, Sir, uuwi na po pala ako. Paniguradong nag-aalala na si Nanang dahil hindi ako nakauwi kahapon." Dahan-dahan akong tumayo, ang katawan ko ay parang mabigat at puno ng pagod. Napapaos ako habang sinasabi ko yun, parang bawat salita ay isang pagsubok. Kailangan ko ding uminom ng tubig, at ang pakiramdam ko ay parang may mabigat na bato sa aking tiyan.

Inalis ko ang bagay na nakakabit sa akin ng walang pagaalinlangan at akmang pipigilan niya ako nang senyasan ko siyang huwag siyang lumapit, kinuha ko ang bulak at tape tsaka ito inilagay sa saan ko inalis ang bagay na nakalagay sa akin para maiwasan ang pagdurugo nito.

Dapat ay mabilis ang kilos ko dahil baka miss na rin ako ni Baby Pseudonym.

"Tuesday pala ngayon? Kailangan ko pa palang tumungong boutique ni Tita Percy para kunin ang damit ko." Napanguso ako dahil ngayon ko lang naalala na may gagawin pa pala ako. Siraulo kasi 'yong si Pugo na 'yon tsaka 'yong mga tauhan niya! Napuruhan yata katawan ko nung linggo!

"It's Wednesday today. Hindi ka lang isang araw nakatulog. You slept two days."

Nagulat ako nang sabihin niya iyon. Seryoso? Dalawang araw talaga? Pupuruhan ko talaga si Pugo kapag nagkita kami, pero sa ngayon, isasantabi ko muna 'yon.

Habang nasa malalim na pag-iisip, biglang nagsalita si Sir.

"I'll give you a week leave for thanking you for saving Jean and to regain your energy," he said while looking at his phone, pagkatapos ay nag-type ng mabilis. I wonder kung si Jean ba ang kausap nito o hindi.

A short smile appeared on his lips. Shoot! Si Jean nga siguro ang kausap. Tss. Pakelam ko ba 'di ba?

"Aalis na po ako, Sir." I emphasize the word "Sir" para malaman niyang nandito pa ako.

Hello? Parang may sariling mundo ito ha, pangiti-ngiti pa. Ang dami kong naiisip, at ang mga tanong ko ay umiikot sa utak ko.

Hindi ito sumagot kaya naglakad nalang ako patungong main door upang umalis na. Habang naglalakad, ang bawat hakbang ko ay parang mabigat na bagahe sa bigat.

Secretary of a Mafia (Vasileios #1)Where stories live. Discover now