Habang binabaybay ko ang kalsada pauwi, ang bigat ng mga gamit na dala ko ay para bang nagiging mas mabigat bawat hakbang ko. Nagmumukha tuloy akong nakibakbakan sa gyera habang dinadala ko ang laptop at mga personal na gamit ko mula sa opisina. Ang tanging tulong na mayroon lang ako ay ang maganda kong mukha at malupit na pangungulila ulit kay Sandro este kay Bullet!
Gusto ko nga umalis sa bahay kase nababagot ako tapos bigla na-work from home pa ako.
Nice 'yan, nice one!
Sa nagdaang kamong mga araw ang saya-saya ko pa nung umpisa, pero ngayon, parang lahat isang malaking kalokohan na lang. Nakakaimbyerna 'no? Lalo na kapag pumapasok sa isip ko ang mga sigaw ni Sir Sandro at ang galit sa mga mata niya kanina. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako ang pinili niyang sisihin para sa lahat ng nangyari. Kahit na pinilit kong gawin ang tama, parang ako pa ang tinuturong salarin.
Pagdating ko sa tapat ng bahay ko, nagulat ako nang makita ko si Rseyine.
Ginagawa nitong babaeng 'to sa pamamahay ko?
Nasa tapat siya ng bahay ko. Nakaupo siya sa tabi ng daanan, nakalagay ang kaniyang mga gamit sa tabi at nakapark ang motor niya sa harapan niya. Nakita ko siyang naka-jeans din at t-shirt na may design ng paborito niyang band, na hindi ko akalain na mahahawakan at makikita ko pa sa panahon ng ganito. Grabe rin maka-beatles din nito.
"Hoy!" sigaw ko, nagulat siya habang naglalakad ako palapit sa kaniya.
Tumayo siya, at napansin ko ang ngiti sa mukha niya na natutuwa niya akong makitang muli. "Naneto, ang tagal mo dumating," sagot niya, pinapahid ang mga palad sa kaniyang jeans.
"Eh bakit hindi ka nag-doorbell? May tao naman diyan." nakataas na kilay kong sabi sa kaniya. "Malay ko ba na mayro'n kang kasama diyan, kaya naghintay na lang ako dito."
Naglakad ako palapit sa kaniya, halos mawalan ng hininga sa pagkakagulat. "At paano ka nakarating dito?"
Nagpanggap siyang hindi naiintindihan ang tanong ko at ngumiti na lamang. "Siguro lumipad ako kaya ako nakarating dito. Malamang tinuro ni Spring exact address mo! Dito lang pala kayo sa AC Subdivisiong dalawa. Tsaka 'di ba galing ako sa kanila," sagot niya, parang nahihiya. "Kakarating ko lang din kaninang konti."
Dahil dito, naisip ko na okay na lang na naghintay siya. Buti na lang talaga agad kong naisipang umuwi kung hindi hanggang gabi siya dito. Tarantado rin. Hindi man lang naisipang hingin ang contact ko kay Spring nanggaling na rin naman siya do'n, “Buti naman talaga kararating mo lang, pumasok tayo sa loob,” sabi ko, binuksan ko ang gate gamit sarili kong susi at nauna munang pumasok sa loob at inilagay ang gamit ko sa tapat ng pinto bago ako bumalik sa kaniya at tinutulungan siyang buhatin ang kaniyang mga gamit.
Pagpasok namin sa bahay, naisip ko ang mga nangyari sa araw na ito, kung paano ako pinaalis ni Sir, at kung paano ako ngayon ay para bang muling bumabalik sa normal na buhay kahit na ang lahat ay magulo pa rin. Naisip ko kung ano ang mangyayari sa trabaho ko, at kung paano ko maibabalik ang lahat sa dati. Tahimik, walang gulo, at wala pa akong masyadong iniisip na mga bagay.
Habang papasok kami sa bahay, ang init ng loob ng tahanan ay nagbigay sa akin ng kaunting ginhawa. Ang amoy ng nilutong pagkain ni Nanang na mula sa kusina ang nakapagbigay talaga sa akin ng lakas ulit. As long as she is here, malakas ako at magpapatuloy ako.
"Nanang! Nandito na po ako!" sigaw ko nang makapasok na kami ng tuluyan ni Rseyine sa loob, "Narito lamang ako sa kusina, hija," sagot naman sa akin ni Nanang.
Naupo kaming dalawa ni Rseyine sa mahabang sopa na nandito sa sala ng bahay ko para makapagpahinga. Habang nauupo kami sa sofa, si Rseyine ay nagmamasid sa paligid ng bahay, "Balita ko galing kay Aegeus 'tong bahay mo? Lumipat na pala si Spring kaya lumayo-layo kayo ha." paguumpisa ni Rseyine sa akin.
"Malamang may asawa na at anak kaya lalong pinalaki ang bahay, buti nga hindi niya pinamigay kina Medusa 'yang bahay niya diyan," tumatawang sagot ko kay Rseyine at inalis ang suot kong jeans. Iniwan ang cycling.
"Naks! Lakas mo maka-Filipino style, mare!" hiyaw niya habang malakas na tumatawa with matching tawa, "Parang hindi ka Creusa."
"Oh shut up, Rseyine, nahiya ako sayong nagpapanty." napairap ako habang sinasagot siya, "Dito? Dito? Pwede rin ha! Ikaw lang naman kasama ko,"
"Dito muna ako pala ako ha,"
Ha? Anong dito naman? Nasisiraan na yata 'to ng bait.
"Sinasabi mo diyan? Mag-renta ka," sagot ko.
Nagmakaawa naman ito sa akin, "Please, Agasher, dito muna ako. Promise talagang behave lang ako,"
Malay ko ba kung spy 'to sa akin baka mamaya bigla may pumuntang tauhan ng Persopoulos dito at ipadakip ako.
"Hay nako, ayaw ko!" pagmamaktol ko sa kaniya pero sadyang makulit talaga ang isang Rseyine Legaspi, "Sige na, sige na, sige na, pleaseeee??"
"Eh bakit ka ba talaga kase nandito?"
MATAPOS makapagkwento si Rseyine ay nagtuloy-tuloy ang pamimilit niya sa akin. Napakasarap kurutin sa singit din nitong babaeng 'to, dahil din sa pamimilit niya, napilitan na rin akong pumayag na mag-stay siya. "Ay talaga naman, kapag may ginawa kang kalokohan, bahala ka," sabi ko pagkatapos ay tumayo na at ininyayahan siyang pumuntang kusina.
"Tara na sa kusina, Rseyine. Tapos na yata si Nanang magluto," aya ko sa kaniya.
Pumunta kami sa kusina at doon ay nag-set up na si Nanang ng hapunan. Nakita ko ang paborito kong bicol express at sinigang na bangus sa mesa. "Salamat po, Nanang," sabi ko habang umupo sa mesa.
"Ah, wala 'yan, hija. Buti na lang dumating ka na. Kain na kayo," sagot ni Nanang habang nagsusubo na ng kanin sa kaniyang sinandok na pagkain.
Habang kumakain, napag-usapan namin ni Rseyine ang mga plano niya at kung anong pwedeng gawin ko kung sakaling masundo ako ni kamatayan bigla. "Gusto mo ikaw na lang gumawa ng trabaho ko?" tanong ko habang sumusubo ng adobo.
"Damay mo pa 'ko," sabi niya habang humihigop ng sabaw.
"Bwisit ka," sabi ko habang tumatawa.
"Tulungan na lang kita kapag barilan na!" excited na sabi ni Rseyine.
Pagkatapos naming kumain, nag-decide kami na mag-ayos ng kaunting snacks at inumin sa sala. Kumuha ako ng ilang bote ng beer mula sa ref at nag-set up ng ilang chips at dip sa mesa. "'Yan, monster-in-law! Cheers!" sabi ko habang tinataas ang bote ng beer matapos kong i-ayos ang panonoorin namin sa tetflox.
"Cheers!" sabay na sigaw ni Rseyine habang naguumpisa na kami manood ng kung anu-ano.
Habang tumatagal ang gabi, lalo kaming nagiging masaya at relaxed. Nagkuwentuhan kami tungkol sa mga alaala namin noong mga high school pa at mga possibleng gusto mangyare tsaka plano sa hinaharap. Tawa kami ng tawa at napuno ng kasiyahan ang buong bahay.
Nang malapit nang maghatinggabi, napagpasyahan na namin na tama na ang inuman at kailangan na ring magpahinga. "Okay, tama na 'to, baka hindi na tayo magising bukas," sabi ko habang inaayos ang mga bote ng beer.
"Gusto ko pa kaso baka mabaliw ako, pero salamat ha lalo na sa gabing 'to. Sobrang saya ko," sabi ni Rseyine habang inaayos na rin ang sarili para matulog.
"Pumili ka na ng kwarto mo diyan sa itaas. Doon ka na matulog para hindi ka masyadong maabala," sabi ko habang inaakay siya papunta sa hagdan.
"Thank you talaga sa mhiema kong maganda! Good night," sabi ni Rseyine habang akyat sa hagdan.
"Good night din, panget," sagot ko bago ko pinatay ang ilaw sa sala.
Matapos ang mahabang gabi ng tawanan at kasiyahan, natulog na kami nang mahimbing, handa na para sa bagong umaga at bagong gyera bukas.
![](https://img.wattpad.com/cover/372836920-288-k685843.jpg)
YOU ARE READING
Secretary of a Mafia (Vasileios #1)
General Fiction[COMPLETED] Agasher Dame Reyes was accused of her grandmother's murder, so she fled from her accusers. During her escape, she encountered a mysterious woman wearing a gold mask who offered to take her in the Philippines. After three years and now ei...